• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thompson inspirasyon Si Norwood

Humakot ang Barangay Ginebra ng parangal sa katatapos na PBA Awards Night noong Linggo na matagumpay na idinaos via online streaming.

 

At isa sa mga nakatanggap ng pagkilala si Scottie Thompson na ginawaran ng Samboy Lim Sportsmaship Award.

 

Nakalikom si Thompson ng 2,360 puntos kung saan naungusan nito si CJ Perez ng Terrafirma na nagtala ng 2,069 puntos.

 

Masaya si Thompson sa award at itinuring nitong inspirasyon si Gabe Norwood na nagmamay-ari ng naturang parangal sa loob ng tatlong sunod na taon — mula 2017 hanggang 2019.

 

“Just following the footsteps ni kuya Gabe (Norwood) for playing the game the right way. Sobrang happy and truly blessed all the time that were playing the game the right way,” ani Thompson.

 

Ibinahagi ni Thompson ang kanyang award sa iba pang kandidato gaya nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.

 

“Lahat naman kaming naging nominee sobrang deserving. I think for me hindi madali itong Sportsmanship Award para makuha ko ito,” ani Thompson.

 

Mapapasama ang Sportsmanship Award sa listahan ng kanyang mga tropeo sa kanyang professional basketball career.

Other News
  • DepEd nilinaw na hindi pa epektibo ang bagong panuntunan kaugnay sa pagsuspinde ng klase

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.     Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.     Ayon pa sa […]

  • 7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC

    Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections.     Ito ang panawagan ni PPCRV Executive […]

  • After ng break-up nila ng ex-fiance: YASSI, inaming nasa ‘getting to know each other’ na sila ni Gov. LUIGI

    MATAPOS mabalita ang recent breakup ni Yassi Pressman with her ex-fiance na si Jon Semira, lumabas naman ang balitang ‘she’s spending more time’ with Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.        Hindi naman ito itinanggi ni Yassi, ayon sa kanya, “me and Luigi have known each other for a very long time, parang 10 years […]