• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

74.5K PDLs, pinalaya mula sa BJMP-run jails sa unang 10 buwan ng 2023

MAY kabuuang  74,590 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa prison facilities na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

 

 

Bahagi ito ng inisyatiba na paluwagin ang mga kulungan sa bansa.

 

 

Sa isa ng kalatas, sinabi ni  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., resulta rin ito ng pagbaba ng  jail congestion rate ng BJMP mula 281% noong Enero ay naging  238% na nitong Oktubre.

 

 

Kabilang sa naturang numero ang 7,647 PDLs na pinalaya sa pamamagitan ng piyansa; 10,592  nagsilbi ng sentensiya na may time allowance, habang 18,290  ang nagsilbi ng walang time allowances.

 

 

Samantala, mayroon namang 6,249 PDLs ang pinawalang-sala  habang  7,591  ang inilipat sa  Bureau of Corrections (BuCor), youth detention facilities, National Center for Mental Health (NCMH), at drug reformation centers.

 

 

Sa kabilang dako, may 51 PDLs ang pinalaya dahil sa  parole; 6,831 dahil sa  probation; 4,677 naman ang  permanent dismissal, habang 6,161 naman ang  provisional dismissal; 4,840 ang recognizance; 60 ang  community service; at 1,601 PDLs ang pinalaya sa pamamagitan ng ibang paraan.

 

 

Sa kabilang dako, kinilala naman ni Abalos ang pagsisikap ng  BJMP gaya ng pagbibigay ng  legal at paralegal services na nakapag-ambag sa pagpapaluwag sa napakasikip na  BJMP-run prison facilities.

 

 

Itinulak din ng Kalihim ang komprehensibong programa na makapaghihikayat sa mga bilanggo na baguhin ang kanilang mga gawi at  tulungan ang mga ito na maging produktibong miyembro ng lipunan.

 

 

“The solution here is not building new jails. The right solution is to avoid committing crimes and not return to jails anymore. The theme here is correction — correcting mistakes,” ayon kay Abalos.  (Daris Jose)

Other News
  • Hoping na maipalabas sa 70th birthday ng National Artist: ALFRED, labis-labis ang pasasalamat kay NORA sa pagtanggap sa ‘Pieta’

    SA storycon ng ‘Pieta’ na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant inamin ni Councilor Alfred Vargas na dream come true na makatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Direk Gina Alajar.     Ang naturang pelikula ay ididirek ni Adolfo Alix Jr. at ang aktor din ang magpo-produce after ng matagumpay na ‘Tagpuan’.     Nilinaw naman […]

  • 3 MENOR DE EDAD NA KABABAIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

    NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.   Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa  Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children […]

  • Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers […]