• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, magpapartisipa sa ‘Climate Change Convention’ sa Dubai

NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong  Dubai, araw ng Huwebes, para magpartisipa sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28), ilang buwan matapos siyang imbitahin ng United Arab Emirates (UAE) government nito lamang Hunyo ng taong kasalukuyan.

 

 

Personal kasi na inimbitahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Al-Zaabi si Pangulong Marcos na dumalo sa  COP28 nang mag- courtesy visit ang una kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang noong  Hunyo 13, 2023.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang  turn-over ceremony ng P541.44-million People’s Survival Fund (PSF) sa anim na  local government units sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, sinabi ni Pangulong Marcos na gagamitin niya ang COP28 para manawagan  sa  global community na manatiling committed sa climate change mitigation programs.

 

 

“We will use this platform to rally to global community and call upon nations to honor their commitments, particularly in climate financing,”  ayon sa Pangulo.

 

 

Binigyang diin na ang Pilipinas ay  “once again poised to lead”  sa pagpupulong.

 

 

Sa kabilang dako, binigyang diin pa rin ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng  COP28 sa Pilipinas sa pagiging  “most vulnerable countries” sa epekto ng  climate change sa buong mundo. wrld.

 

 

“And so, we must do our part here in the Philippines,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“But we must also take the lead when it comes to the global move and the global aspiration that those most vulnerable communities around the world will somehow be assisted by the developing countries when it comes to these measures to mitigate and to adapt to climate change,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Winika pa nito na ang “climate change mitigation” ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno kundi nng lahat ng mga mamamayang  Filipino. (Daris Jose)

Other News
  • Bryan Quiamco hari ng Ho Chih Minh City International Marathon

    Giniyahan ni Bryan Quiamco ang pasabog ng Team Philippines 7-Eleven nitong Linggo sa 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 sa Vietnam.     Kumawala sa 3-man lead pack sa 33K mark ang 36 na taong-gulang na Pinoy na tubong Kawit, Kauswagan, Lanao Del Norte pero residente na ng Roosevelt, Tibanga, Iligan City upang […]

  • Mag-inang Sylvia at Arjo, nagkamit din ng tropeo: JODI at JM, waging best drama actress and actor sa ‘Star Awards for TV’

    ITINANGHAL na Best TV Station ang GMA-7 habang nakamit nina Jodi Sta. Maria at JM de Guzman ang top acting awards bilang Best Drama Actress at Actor sa matagumpay na face-to-face awards night ng 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC). Ginanap nitong Sabado, Enero 28, sa Grand Ballroom ng […]

  • Ads November 15, 2021