• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister na wanted sa kidnapping sa Caloocan, timbog

MAKALIPAS ang mahigit 19 taon, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang mister na wanted sa kaso ng kidnapping sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na droga sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “Michael”, 48 ng Brgy., 176, Bagong Silang.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon Station Intelligence Section (SIS) ng Caloocan police na kasalukuyang nakakulong sa Caloocan City Jail (CCJ) ang akusado na wanted sa kasong kidnapping matapos maaresto sa illegal na droga.

 

 

Katuwang ang Northern NCR Maritime Police Station, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:00 ng hapon.

 

 

Ani SIS chief P/Major John David Chua, isinilbi nila sa akusado sa loob ng CCJ facility sa Talimusak, Kaunlaran Village ang warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 130 Judge Jaime T. Hamoy noong June 23, 2004, para sa kasong Kidnapping of Minor in relation to R.A. 7610 with Ransom under Article 267 of the Revised Penal Code.

 

 

Pinapurihan naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta dahil sa kanilang pinaigting na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakahuli sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • PDP-Laban Cusi faction, back to square one sa pagpili ng presidential bet sa Eleksyon 2022

    “BACK to square one” ang PDP-Laban Cusi faction matapos tanggihan ng napisil nilang politiko ang nominasyon na maging presidential bet para sa Eleksyon 2022.   Hindi naman pinangalanan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, presidente ng PDP-Laban faction ang nasabing politiko na lumagda sa certificate of nomination at acceptance para sa PDP-Laban’s presidential bet sa halalan […]

  • Gluta na tinuturok, delikadong gamitin – FDA

    MULING nagpaalala ang pamunuan ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko partikular sa gustong maging ‘mestiza look’ na nagpapaganda sa kanila, na mag-ingat sa pagbili, paggamit at pagpili ng beauty regimen.   Isa sa inilabas na advisory ng FDA ang ukol sa injectable glutathione na matagal nang tinatangkilik ng hindi lamang kababaihan, lesbian, gay, […]

  • LTFRB: 70% PUV capacity pa rin sa NCR

    Ang kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs) sa National Capital Region ay mananatili pa rin sa 70 porsiento ngayon kapaskuhan kahit na ang Metro Manila ay nasa “very low” risk ng klasipikasyon.       Isang memorandum circular ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may updated na guidelines para […]