PDP-Laban Cusi faction, back to square one sa pagpili ng presidential bet sa Eleksyon 2022
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
“BACK to square one” ang PDP-Laban Cusi faction matapos tanggihan ng napisil nilang politiko ang nominasyon na maging presidential bet para sa Eleksyon 2022.
Hindi naman pinangalanan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, presidente ng PDP-Laban faction ang nasabing politiko na lumagda sa certificate of nomination at acceptance para sa PDP-Laban’s presidential bet sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi pa niya na batid ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung anong pangalan ng politiko na posibleng presidential bet ng PDP-Laban.
Iyon nga lamang, sinabi ni Cusi na Lunes ng tanghali nang tanggihan ng sinasabing presidential bet ang naturang nominasyon.
“Ayaw tumakbo,” ayon kay Cusi.
”Yes, back to square one,” dagdag na phayag nito nang tanungin kung muli silang pipili ng bagong presidential bet.
Samantala, tikom naman ang bibig ni Atty. Melvin Matibag, secretary-general ng Cusi faction, sa kung ano ang impormasyon ng sinasabing presidential bet.
Kumpiyansa naman ang partido na magkakaroon sila ng standard-bearer bago ang araw ng Biyernes.
“By the end of the filing on Friday, PDP will have a standard-bearer,” ayon kay Matibag.
Ang huling araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay sa darating na Biyernes, Oktubre 8.
Noong nakaraang Sabado, naghain si Senador Bong Go ng kanyang certificate of candidacy bilang bise-presidente sa ilalim ng banner ng PDP-Laban.
Matapos maghain si Go ng kanyang COC, sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang ambush interview na itutulak nila ang “Sara-Go” tandem.
Sa kaparehong araw, naghain naman si Mayor Sara ng kanyang COC para sa pagka-mayor ng Davao City.
“no comment” naman ang sagot ito nang tanungin tungkol sa Sara-Go tandem.
Sa mga nakalipas na panayam, sinabi ni Mayor Sara na mayroon siyang kasunduan sa kanyang ama na isang Duterte lamang ang tatakbo sa national post sa susunod na taon. (Daris Jose)
-
Patuloy ang pagtangkilik sa MRT 3 kahit wala ng libreng sakay
MAY NAITALANG daily average na 300,000 na pasahero ang sumakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) kahit na tapos na ang libreng sakay na nagpapatunay ang patuloy na pagtangkilik ng publiko sa rail line. Ayon sa datus ng MRT 3, may kabuohang 321,978 na pasahero ang sumakay ng MRT 3 noong nakaraang […]
-
Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na
NASA 92% na ng mga balotang gagamitin para sa May 12 National and Local Elections (NLE) ang natapos nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ito ay katumbas ng nasa 61 milyon hanggang 62 milyong balota na natapos nang iimprenta. Dahil dito, aabot na lamang aniya sa […]
-
Experience the Colossal Clash: ‘Godzilla x Kong: The New Empire’ Coming in 2024
EXPERIENCE the colossal clash in ‘Godzilla x Kong: The New Empire.’ Get ready for a gargantuan cinematic experience! “Godzilla x Kong: The New Empire,” the much-anticipated sequel to the blockbuster hit “Godzilla vs. Kong,” is set to thunder into cinemas in 2024. Legendary Pictures, in a spectacular return to the Monsterverse, promises […]