Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara
- Published on December 1, 2023
- by @peoplesbalita
IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.
“As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members regardless of political affiliations in the same manner that the Senate takes action on measures presented by senators,” giit ng kongresista.
Ayon kay dela Rosa, ginagamit ng kamara ang imbestigasyon ng ICC upang patahimikin ang mga Duterte.
Isa sa mga trabaho ng Kamara ay dinggin ang mga inihahaing resolusyon ng mga kongresista.
Tatlong resolusyon ang nakahain ngayon sa kamara na nananawagan sa gobyerno na payagan ang International Criminal Court (ICC) na makapagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte. (Ara Romero)
-
Mga miyembro ng media, kasama na sa A4 priority group list para mabakunahan ng COVID vaccine
KABILANG na ang mga miyembro ng media sa nabigyan ng prayoridad kaugnay ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno. Ito ang nakasaad sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng ginawang pag- aapruba sa Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan. Saklaw ng resolusyon ang […]
-
Kapitan ng Barangay Kaligayahan muling inireklamo sa Ombudsman
SINAMPAHAN ng panibagong reklamo ni Aljean Abe, isang dating teaching aide sa Barangay Kaligayahan Novaliches QC ang kanilang barangay kapitan na si Alfredo “Freddy” Roxas, ukol sa Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft & Corrupt Practices Act. Nag-ugat ang kanyang bagong reklamo ng makaranas sya at kanyang […]
-
PDU30, hindi madadamay sa Senate probe sa Pharmally – Roque
KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. “Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung […]