• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO

TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado.

 

 

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga ­lansangan na hindi rehistrado.

 

 

Pero sinabi ni Tolentino na mayroon tinatayang 4 milyon karagdagang hindi rehistradong motorsiklo ang hawak ng komite noong Pebrero.

 

 

Kukuwestyunin sana ng senador ang immediate superior ni Pastorite na si Danilo Encela tungkol sa sa backlogs sa bawat rehiyon partikular sa Metro Manila subalit inamin nito na wala siyang hawak na impormasyon ngayon at nangako na babalik sa komite para dito.

 

 

      Nauna ng sinabi ni  LTO chief Asec. Vigor Mendoza  nq maraming delingkwenteng may-ari ng mga motorsiklo ang nakakalimutang magrehistro o bigo na i-transfer ang ownership matapos na bilihin ang sasakyan.

 

 

Ayon pa kay Mendoza sa pinakahuling datos ng LTO noong 2003 ay mayroong 38 milyong 4-wheeled vehicles at motorcycles sa kalsada subalit 13.9 milyon lang ang nakarehistro.

 

 

Bigo rin umano ang mga may-ari ng motorsiklo na irehistro ang kanilang mga sasakyan lalo na kung ito ay nasa 3-5 taon hulugan.

Other News
  • Pinag-iisipan kung ano ang magiging timeslot: Show ni LUIS, posibleng makatapat sa pagbabalik sa ere ni WILLIE

    FROM an ABS-CBN insider na ayaw magpabanggit ng pangalan ay nalaman naming nakatakdang magbabalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano.     Nope, hindi raw naman ito ang magiging kapalit ng natsugi sa ere na “Tahanang Pinakamasaya.”     Nalaman din namin na ang “It’s Showtime” na nga ang makatatapat pa […]

  • PBBM, pinagpapaliwanag DOLE, DSWD sa underspending

    PINATAWAG  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Department of Labor (DOLE) Secretary Benny Laguesma at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para pagpaliwanagin tungkol sa underspending ng kanilang mga ahensiya.     Sinabi ni Laguesma na, pinabibilisan ng Pangulo ang paggastos sa pondo para sa mga programang may kinalaman sa […]

  • Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China

    NAG-commit ang isang  Chinese construction firm ng mas maraming  investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng  public-private partnership (PPP).     Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan.     Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes,  ipinanukala ng China […]