• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget

SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara.

 

 

Pinayuhan ni Se­nate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng saligang batas dahil ito lamang din ang kanilang magagawa sa panahon ngayon na hindi sigurado kung saan may mga nagaganap na giyera at pagkasawi ng mga inosente.

 

 

Sinabi pa ni Angara na kahit ano pa ang maging lagay o ­sitwasyon ng merkado sa mga ganitong panahon na hindi tiyak ang mangyayari ay dapat pa ring gawin ng pamahalaan ang kanyang tungkulin.

 

 

Samantala, sa Senate version ay inadopt ng Mataas na Kapulungan ang bersyon ng Kamara kung saan ang confidential at intelligence funds ng mga civilian agencies ay nire-align sa mga security agencies.

 

 

Paliwanag ng senador, katulad sa Kamara ay pareho rin sila ng pagtingin sa CIF na ito ay dapat para lamang sa mga ahensya na may mandato para sa intelligence gathering.

 

 

Hinikayat naman ni House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co ang mga kapwa mambabatas na i-adopt ang mga binago at inintrodyus ng liderato ng Kamara sa General Appropriations Act upang isulong ang transpa­rency sa public spending, protektahan ang pambansang seguridad, tiyakin ang sapat na pagkain at suportahan ang populasyon na patuloy na umaahon matapos ang matinding epekto ng pandemya. (Daris Jose)

Other News
  • Higit P100K droga nasamsam sa 4 drug suspects sa Malabon at Navotas

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng […]

  • 52 opisyal ng PNP-CSG sinibak dahil sa malpractice

    NAGSAGAWA ng balasahan ang Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) at inalis sa puwesto ang 52 nilang opisyal dahil umano sa “malpractice.”   Ayon kay CSG Director Police Major General Roberto Fajardo, kabilang sa kanyang sinibak ang 30 police commissioned officer na may pinakamataas na ranggong police colonel, 17 non-commissioned officer at 5 non-uniformed personnel. […]

  • Ads December 22, 2021