• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños

UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.

 

 

Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador.

 

 

“We recognize the hardships that our fisherfolk experience and the sacrifices they make to give their families a better life. At the same time, we are grateful to Sen. Imee for the continuous assistance she extends to Navoteños,” ani alkalde.

 

 

“We encourage everyone to make the most of this opportunity. Continue to save up for your families and strive to own more fishing boats,” dagdag niya.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran mula sa polusyon at pagkasira.

 

 

“Most Navoteños, including us, rely on the sea for our livelihood. It’s crucial that we keep our seas and oceans free from pollution to ensure a plentiful catch,” pahayag ni Cong. Toby.

 

 

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga fiberglass boat na nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fittings, gayundin ng lambat, lubid, at fishing buoys.

 

 

Ang NavoBangkabuhayan Program ay inilunsad noong 2018 bilang isang inisyatiba upang matulungan ang mga mangingisda na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan kung saan higit na 300 mga indibidwal ang nakinabang mula nang ilunsad ito.

 

 

Dumalo rin sa kaganapan si Regional Director Noemi SB. Lanzuela ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region, at G. John Romar Pedrigal, Market Specialist mula sa Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service, at mga opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • 40 na bagong sasakyan ng PCSO, binasbasan sa Maynila

    Binasbasan ng isang pari ang 40 pirasong bagong yunit ng mga sasakyan na ibibigay sa iba’t ibang mga (LGU) mula sa tanggapan ng PCSO sa San Marcelino sa Maynila sa pagsisikap na mapagbuti ang agarang pagtugon ng mga serbisyong pang-emergency sa publiko.   Nagkakahalaga ng P1.5 milyong piso bawat isa, idinagdag ni PCSO Chairman Royina […]

  • Zero COVID-19 positive itinala ng NBA

    Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.   Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.   Lalaruin […]

  • DBM, aprubado ang mga alituntunin para sa pilot implementation ng online platform o e-marketplace

    INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga alituntunin para sa pilot implementation ng isang online platform o electronic marketplace para sa procurement ng ‘supplies at equipment’ ng mga ahensiya ng pamahalaan mula sa mga kapuri-puring supplier.     Sinabi ng departamento na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, chairman ng Government Procurement […]