Zero COVID-19 positive itinala ng NBA
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.
Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.
Lalaruin ang liga na walang manonood at pansamantalang maninirahan ang mga manlalaro sa site habang tuloy ang laro sa kumpetisyon ng kani-kanilang koponan.
Ayon sa ulat, sa huling test na ginawa noong July 20, lahat ng manlalaro ay nag-negatibo sa COVID-19.
Nakatakda ring buksan ng National Hockey League (NHL) ang kanilang season sa Aug. 1 sa isa ring secured na lugar, ayon sa ulat.
Wala namang balak ang Major League Baseball (MLB) na maglaro sa bio-secure bubble setting matapos nitong paigsiin ang season simula pa noong isang linggo.
Sinuspinde naman ng MLB ang Miami Marlins ng isang linggo matapos isang dosenang manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 na nagbabadya ng muling pagkabalam ng season.
-
Tokyo Olympics, posibleng tuluyan nang makansela dahil sa COVID-19
Posibleng tuluyan nang makansela ang Tokyo Olympics kung hindi pa rin maaagapan ang coronavirus sa buwan ng Mayo, ayon sa senior International Olympic Committee. “In and around that time, I’d say folks are going to have to ask: ‘Is this under sufficient control that we can be confident about going to Tokyo or not?’” […]
-
World’s No. 1 Djokovic binigo ni Zverev na makamit ang ‘Golden Slam’
Nagtapos na ang kampanya sa Tokyo 2020 ni tennis world number 1 Novak Djokovic matapos talunin siya ni Alexander Zverev (No. 5). Nakuha kasi ng German player ang score na 1-6, 6-3, 6-1 para makapasok sa semifinals. Target kasi ng Serbian tennis star na maging unang men’s tennis player na manalo […]
-
Suggested prices sa mga noche buena products inilabas na ng DTI
INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020. Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019. Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na […]