• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha

IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema.

 

 

Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos at APT Entertainment.  Bukod dito, after 13 years, ngayon na lang sila muli nakagawa ng pelikula ni Dingdong na magkasama.

 

 

Ang huli ay hindi pa sila kasal.

 

 

“Dad, totoo ba ‘to? Hindi nagsi-sink in sa akin. Nakaka-proud na nakagawa ako ng isang pangarap kong pelikula. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko na gumawa ako sa Star Cinema at andito ako ngayon sa ABS-CBN to promote this movie.

 

 

“So, I’m very blessed, and very excited kami i-share sa inyo ang trailer. Trailer pa lang masasapul na kayo,” simulang pahayag nga ni Marian.

 

 

Sabi rin ni Dingdong, “Napakatagal na namin inantay ang pagkakataon na ito na mai-share sa inyo. Sana buong pelikula na, pero wag muna. Hintayin natin yung showing.

 

 

“Pero eto muna pagbungad. Snippets ng aming pelikula na proud na proud kaming ihandog sa inyo.”

 

 

True enough naman, trailer pa lang nga, promising na at mukhang isa talaga sa aabangan ngayong MMFF.

 

 

Sa isang banda, tahasan sinasabi ni Marian na hindi niya magagawa ang role niya sa movie kung hindi si Dingdong ang kapareha niya.  At ayon naman sa writer nito na si Enrico Santos, wala raw silang ibang choice, talagang sina Dingdong at Marian na raw talaga ang nasa isip nila nang mabuo ang materyal.

 

 

Ang “Rewind” ay sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.

 

 

***

 

ISANG tagumpay ang kauna-unahang concert ng anim na Queens na sina Rita Daniela, Thea Astley, Jessica Villarubin, Marianne Osabel, Hannah Prescillas at Julie Anne San Jose.

 

 

Deserve nila ang standing ovation na ibinigay sa kanila ng mga manonood dahil sa ‘flawless performance’ nila ng kanilang mga repertoire.

 

 

Hindi nga binigo ng mga Queens ng Kapuso network pagdating sa kantahan at biritan ang mga nanood ng kanilang kauna-unahang concert, ang ‘Queendom Live’ sa Newport Performing Arts Theater noong Sabado ng gabi, December 2.

 

 

Kahit ang choreography, blocking ng bawat production number ay tama ang timpla. Maging ang pagpasok ng solo spot ng bawat isa ay hindi pilit.

 

 

Kung isa ka sa audience, imposibleng hindi mo aabangan ang magiging pasabog ng mga Queens sa kanilang solo spot—matatalbugan ba ang sinundan nilang performer o mas bibirit ng todo?

 

 

Pero ang maganda sa ‘Queendom Live’, walang sapawan na naganap. Equally distributed din ang spot ng bawat isa at lahat sila ay may kanya-kanyang moment.

 

 

Given na si Julie ang pinaka-sikat sa anim, pero hindi niya ito ipinaramdam sa mga kasama at hindi rin ito mararamdaman ng mga manonood. Balanse silang lahat, may suportahan at harmony ang boses at galaw ng bawat isa.

 

 

Ang husay ni Rita sa kanyang ‘I Am Changing.’  Tumanggap ng standing ovation si Mariane kanyang solo spot na ‘Bridge Over Troubled Water.’  At nag-shine rin si Thea sa kanyang ‘Purple Rain’ ni Jessie J.  Ipinamalas nina Hannah sa kanyang ‘What Kind of Fool Am I’ at ni Jessica sa kantang ‘Where Do I Begin’ ang vocal prowess nila.

 

 

Ang bongga rin ng version ni Julie Anne San Jose ng ‘Papa Can You Hear Me’ ni Barbara Streisand.

 

 

Naging special guest ang mga Kapuso na sina Jeremiah, John Rex at Rayver Cruz na humataw ng Bruno Mars medley.  Napa-throwback pa si Rayver dahil last year raw of almost the same time, ang concert din nila ni Julie.

 

 

Nag-perform din si Garrett Bolden sa Majesty prod number. Tila tribute to Gloc-9 ang performance ng anim sa mga hit songs nito.

 

 

At personal favorite namin sa kabuuan ng ‘Queendom Live’ concert ang acapella number nila na ‘End of the Road,’ at ‘Man in the Mirror.’

 

 

Hindi naman nakalimutan ng Queens na hindi pasalamatan ang kanilang mga bosses sa GMA-7 at Sparkle, lalo na si Attorney Felipe L. Gozon.

 

 

Suportado naman sila ng mga kapwa Kapuso stars tulad ng mga Sparkle boys, Ken Chan, Kyline Alcantara, Zephanie, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

 

 

Gayundin si Kris Bernal at ang bagong boy group ng Star Music na 1621BC.

 

 

Sa totoo lang, sana after ng ‘Queendom Live’ concert, mas mai-push pa ang grupo nilang anim at makilala pa internationally.

 

 

Kasi, ang ganito ang siguradong magugustuhan ng international audience.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • MMDA, walang patid ang declogging operations sa mga kanal at estero

    WALANG patid ang declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kanal at estero bilang paghahanda ngayong tag-ulan.   Bukod dito, nakatutok din ang MMDA sa 64 pumping stations na pawang gumagana naman lahat. tatlo nag bago rito.   At para sigurado na walang mga damage ang mga pumping stations ay naglagay ang […]

  • SISIHAN DITO SISIHAN DOON

    Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan.     Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan.     […]

  • Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating

    Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest  player ng PBA.   Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng […]