• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Good catch ang aktor bilang son-in-law: SHARON, puring-puri ang mga katangian na taglay ni ALDEN

PURING-PURI talaga ni Megastar Sharon Cuneta ang anak-anakan niyang si Alden Richards, na kung saan nabuo ang kanilang closeness habang ginagawa ang Family Of Two (A Mother And Son Story) na entry ng CineKo Productions sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

Sa bonggang mediacon na nagmistulang Christmas party, natanong si Mega kung na kay Asia’s Multimedia Star ba ang mga katangian ng gusto niya sa magiging son-in-law?

 

“Oh yes! Lahat, na kay Alden!” mabilis na sagot ni Sharon.

 

“Kung ganyan ang magiging asawa ng kahit sino sa mga anak ko… kahit si Miguel pa! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! OK lang sa akin!

 

“Alam niyo naman ako, kung saan maligaya ang mga anak ko, doon ako! Support lang ako. Wala akong ganyan.”

 

Pagbawi niya, “No… but you know, kasi kuyang-kuya nila, e. Iyong panganay [KC Concepcion] ko naman, may buhay nang sarili rin. E, may honey na rin siya, so…

 

“Naku! Kung pupuwede lang, mag-produce pa isa pa, para sa yo, di ba?! Ha! Ha! Ha! Eh may kanya-kanyang buhay sila.

 

“So… but oh my God! Any mother I think would be just so blessed to have this boy as a son-in-law.

 

“No, really, from the bottom of my heart. Because he’s so responsible. He’s like me! He’s like me, so he’s responsible.

 

“He works hard. He knows his priorities. He’s God-fearing. He is honest.

 

He’s authentic. And look at the face! Ha! Ha! Ha! Ha!”

 

Wish naman ni Sharon sa mamahalin ni Alden in the future…

 

“She’ll have to be smart and independent. She will be loving but not needy and understand his schedule. She’ll be supportive of his career, his dreams and love his family.

 

“She has the same values and she has to be strong.”

 

Sa ngayon, wala siyang masabi kung sino ang babagay kay Alden. Magsasabi naman daw ang kanyang ‘anak’ pag may girlfriend na ito, at susuportahan niya ito.

 

Anyway, nagbabalik nga ang tandem na may gawa ng most award-winning film of 2022 na Family Matters, na idinirek ni Nuel Crisostomo Naval at mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario.

 

Isa na namang heartwarming story ng ina at anak, ang Family Of Two (A Mother And Son Story) na kung saan kasama rin sina Miles Ocampo, Pepe Herrera, Jackielou BLanco, Tonton Gutierrez, Soliman Cruz, Donna Cariaga, Carla Guevarra, Adriana So, Chris Tan, at Justine Luzares.

 

Kakaibang Sharon Cuneta ang mapapanood sa naturang filmfest entry ng CineKo Productions, na sa tingin namin ay pareho sila ni Alden na strong contender din sa Best Actress at Best Actor categories.

 

Palaban din tiyak ang pelikula, direksyon, screenplay at sa iba pang technical awards.

 

Kaya isa kami, na excited nang mapanood ito, bago pa sumapit ang December 25.

 

Goodluck team #FamilyOfTwo.

 

***

 

INAMIN naman ni Jeri Violago na mukhang hindi 23 dahil sa kanyang baby face, na napagkakamalan siya palagi na batang Matteo Guidicelli, o kaya puwede kamag-anak ng actor-TV host na bibida rin sa filmfest entry na ‘Penduko’.

 

Pahayag niya, “I get that a lot, kung saan ako pumupunta. I feel very honored kasi you know naman Matteo, napakagwapo siya. But hopefully naman in the future, I’ll have my own identity.”

 

 

Naka-graduate na si Jeri ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University. At dahil dito, kahit may mga negosyo ang kanilang pamilya, mas pinili niya ang maging singer at pinayagan naman siya ng parents na sundin ang pangarap niya.

 

 

At heto na nga at nai-launch na ang kanyang first music video para sa single niya na “Gusto Kita” na kinompos ni Vehnee Saturno.

 

 

Kasama si Jeri sa nakakikilig na music video ang isa sa mga ‘It’s Showtime’ host na si Jackie Gonzaga, na kilala rin na Ate Girl.

 

 

May nagko-comment sa mga nakapanood na parang bagay kasi sila!

 

 

Kuwento ng baguhang mang-aawit ng Star Music, “Sa video kasi, siya ‘yung may gusto sa akin. Pero, she was able to say it… I mean, that time na gusto na niyang sabihin sa akin na ‘gusto kita’ biglang may sumingit.

 

 

“And in the end naman, ako rin pala ang magsasabi sa kanya na gusto ko siya.”

 

 

Dagdag pa niya habang nagsho-shoot sila, “super fun lang. Ang sarap kasama ni Jackie. Ang sarap niyang kausap. Mabait siya.

 

 

“Nasa ‘Showtime’ siya at nasa Star Music ako, so gusto nila na mag-collab kami. And hopefully, nagustuhan naman niya ang music video namin.”

 

 

Sa media launch, kinanta nga ni Jeri ang “Gusto Kita” after ipakita ang music video nito. Inawit din niya ang isa pang niyang song na “Di Ka Mag-iisa”.

 

 

Ayon naman sa composer and songwriter na si Jonathan Manalo wino-work out na nila ang magiging follow up single ni Jeri kasama pa rin ang Tarsier Records.

 

 

Wish naman ni Jeri na magaling ding gumawa ng kanta, na maka-collab ang mga fave singers na sina Zack Tabudlo, Ben&Ben at ang funk-pop band na Lola Amour.

 

 

Anyway, magiging busy nga si Jeri sa 2024, dahil sa pagpo-promote ng “Gusto Kita”. Kaya abangan na lang sa kanyang TV guestings, and hopefully magkaroon din siya ng gigs sa pagpasok ng bagong taon.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA

    MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa  lungsod ng  Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia.     Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa  Lviv […]

  • SEC, magtatatag ng bagong dibisyon para i-monitor ang mga financing, lending firms

    NAKATAKDANG magtatag ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng bagong dibisyon na tututok sa financing at lending firms bilang bahagi ng pagbuwag laban sa abusadong lenders alinsunod sa Lending Company Regulation Act (LCRA).     Ayon sa Department of Finance (DOF), iniulat ng SEC na nakatuon ang pansin nito sa kampanya ukol sa mga abusadong […]

  • Ateneo student, tumalon mula sa 9th floor ng gusali

    Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Lunes ng umaga.   Sa report ni PMSG Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente […]