• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ateneo student, tumalon mula sa 9th floor ng gusali

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Lunes ng umaga.

 

Sa report ni PMSG Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente sa harapan ng Chachago Milk Tea na matatagpuan sa No. 29 F. Dela Rosa St., Barangay Loyola Heights, QC.

 

Ayon sa imbestigasyon, sinasabing tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng Regis Center sa Katipunan Avenue, Loyola Heights ang Ateneo student, base sa nakuhang school ID sa katawan nito.

 

Batay sa pahayag sa pulisya ng nakasaksing si Eloisa Bondocan, supervisor ng Chachago Milk Tea, nakatayo siya sa labas nang makita niya na may bumagsak sa nakaparadang Toyota FJ Cruiser na may plakang CAF 2385 at pagkatapos ay tumilapon sa semento.

 

Nang kaniyang alamin kung ano ang bumagsak ay nakita niya ang katawan ng isang babae na umaagos na ang dugo sa ulo at halos magkalasog-lasog ang katawan kaya agad siyang humingi ng saklolo sa kaniyang mga kasamahan.
Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Other News
  • Pope Francis nakiisa na rin sa ‘global vaccination’ campaign, nakatakda magpabakuna next week

    Nakiisa na rin ang Pope Francis ang pinaka mataas na lider ng Simbahang Katoliko sa global vaccination campaign laban sa nakamamatay na virus ang Covid-19.   Nitong Sabado, mismong si Queen Elizabeth ng Great Britain at ang asawa nitong si Prince Philip ay binakunahan na ng Covid-19 vaccine, kahapon bagay na kinumpirma mismo ng Buckingham […]

  • Tumalon sa dagat, leader ng “Legaspi Drug Group” nalunod sa Navotas

    DEDBOL ang isa umanong leader ng “Legaspi Drug Group” matapos malunod nang tumalon sa dagat para makaiwas sa pag-aresto ng mga pulis na nagsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang nasawing akusado na si Rodolfo Legaspi alyas […]

  • LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, […]