• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magnitude 5.9 na lindol niyanig Mindoro, ramdam hanggang Metro Manila

BINULAGA nang malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results.

 

 

Bandang 4:23 p.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro.

 

 

Nagtala ang Phivolcs ng iba’t-ibang intensity sa maraming bahagi ng Pilipinas:

 

Intensity V (strong)

Lubang, Occidental Mindoro

Puerto Galera, Oriental Mindoro

 

Intensity IV (moderately strong)

City of Makati

Quezon City

City of Taguig

City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, at Plaridel, Bulacan

Floridablanca, Pampanga

San Jose, Batangas

City of Tagaytay, Cavite

 

Intensity III (weak)

City of Caloocan

City of Pasig

Cuenca at Talisay, Batangas

City of Bacoor, at City of General Trias, Cavite

Rodriguez, Rizal

Mamburao, Occidental Mindoro

 

Intensity II (slightly felt)

City of Marikina

City of San Jose Del Monte, Bulacan

Gabaldon, Nueva Ecija

Lucban, Quezon

San Mateo, Rizal

Odiongan, Romblon

 

Intensity I (scarcely perceptible)

City of San Fernando, Pampanga

City of San Pedro, Laguna

Mauban, Quezon

 

 

Samantala, lumabas ang mga kawani ng Department of Justice sa kanilang building ilang sandali matapos ianunsyo ang pagpasa ng nasa 3,812 katao sa professional licensure examination para sa mga abogado.

Other News
  • PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA

    NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  pagpapatupad ng  health protocols sa kalsada at mga Barangay .   Kasunod ito sa  ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng […]

  • Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree

    LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito.     Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]

  • 39 Pinoy nananatili pa rin sa Gaza

    KINUMPIRMA  ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nasa 39 Pinoy, na nananatili pa rin sa Gaza, ang ina­asahang makatatawid na rin sa Rafah border patungong Egypt, sa lalong madaling panahon.     Ayon kay Cacdac, base sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 98 na ang mga […]