• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans

TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today.

 

Una ay si Juan Karlos o JK Labajo.

 

Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh!

 

At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK.

 

Bago pa ang Disyembre ay nag-announce na si JK sa Facebook page niya na mangangaroling siya sa bahay-bahay ng mga supporters niya na ang kakantahin niya ay ang kanyang bagong Christmas song na “Maligayang Pasko” na pinakaunang kantang Pamasko ni JK.

 

At kailan lamang ay nag-post si JK sa kanyang Tiktok account ng video kung saan nangaroling siya sa isang lola na kitang-kitang tuwang-tuwa sa gesture ni JK at yakap-yakap pa niya ang guwapong balladeer.

 

Ang lola, na si Mama Luming, habang yakap si JK ay nagdayalog pa ng “Ang aking bunsong anak! Mayroon ka palang ugali…maganda ang ugali mo.”

 

Humirit pa si Mama Luming kay JK sa pagsasabing, “Ngayon lang ako nakakita ng ganire kagandang lalaki.”

 

On a different note, isa pang ganap ni JK ay ang achievement niya na ang hit song niyang “ERE” ay no. 2 sa Spotify’s Global Viral Songs at pinakaunang Pinoy song na nakapasok sa naturang chart.

 

***

 

KAPURI-PURI naman ang achievement ni Jimmy Bondoc na ngayon ay isa ng … abogado!

 

Isa si Jimmy sa halos apat na libong kapapasa lamang sa katatapos na bar exam para sa mga law students.

 

Sa Facebook account ng OPM singer-songwriter ay ipinagmalaki ni Jimmy ang kanyang bagong accomplishment.

 

Lahad ni Jimmy, “Nasa Aromata lang po kami the whole day, to praise God and to celebrate friendship. Everyone is welcome. 3pm to midnight, drinks, prayers, laughter. Glory to God and God alone.”

 

Unang nag-aral ng Law si Jimmy noong 2017 sa San Beda University at nagpatuloy naman noong 2019 sa University of the East.

 

Si Jimmy ang umawit ng hit na “Let Me Be The One.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • WHO ikinatuwa ang primary result ng dexamethasone mula UK vs COVID-19

    Ipinagmalaki ni World Health Organization Director-General Tedros Ghebreyesus ang initial clinical trial result mula sa United Kingdom na nagpapakita ng pagiging epektibo ng isa sa mga posibleng gamot laban sa coronavirus disease.   Ang dexamethasone ay isang uri ng corticosteroid na kaya umanong pagalingin ang mga COVID-19 positive patient na nasa malubhang kalagayan. Habang may […]

  • Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris

    Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.     Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France […]

  • Ads May 6, 2022