• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko

INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.

 

 

Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season.

 

 

Partikular na tinukoy ni Artes ang mga weekends ng Disyembre 15 at 22 na may pinakamabigat na daloy ng trapiko.

 

 

Aniya, ang Disyembre 15 ay payday weekend kaya’t asahan nang marami ang magla-last minute shopping.

 

 

Ang Disyembre 22 naman ay ‘weekend going to Christmas’ kaya’y inaasahan naman nilang dadagsa na ang mga taong magsisiuwian sa mga lalawigan upang doon ipagdiwang ang Pasko.

 

 

Hindi naman umano nila aalisin ang number coding window hours dahil wala namang “carmaggedon” na sitwasyon sa mga lansangan.

 

 

Samantala, higit pa umanong paiigtingin ng MMDA ang kanilang clearing operations sa Mabuhay Lanes upang magkaloob ng alternatibong ruta sa Metro Manila drivers ngayong holiday season.

 

 

Payo pa niya sa publiko, umiwas sa Christmas rush sa weekends upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

Other News
  • Pareho silang naka-relate ni Sunshine sa bagong serye: SNOOKY, inaming na-trauma nang pinilit pasuotin ng puting kamison

    KAPWA naka-relate sina Snooky Serna and Sunshine Cruz sa mga bida ng bagong GMA Afternoon Prime series na ‘Underage’ dahil may eksena sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes na nakaputing kamison sila sa isang eksena.     Nakaranas ng magkaibang experience sina Snooky at Sunshine noong pasuotin sila ng puting kamison sa pelikula […]

  • Online, preferred mode para sa SIM card registration- DICT

    SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy  na mas mabuting idaan sa online ang  proseso ng  SIM card registration.     Giit ni Uy, mahirap ang physical registration dahil malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga tao sa registration sites.     “The preferred mode will be online po […]

  • National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training

    Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa […]