• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagrerehistro ng e-bike minungkahi ng LTO

ISANG mungkahi ang isusumite ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng mandatory registration ng mga electronic scooters at e-bicycles kahit na ano pa mang vehicle capacity nito.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong electronic scooters at e-bicycle sa LTO lamang ang maaaring dumaan at gumamit ng mga public roads.

 

 

Nakalagay sa LTO Administrative Order 2021-035, electronic vehicles na may maximum speed na mas mababa sa 25 kilometers ay hindi naman kailangan magparehistro sa LTO.

 

 

“There should be no speed limitation. For as long as these vehicles are used in public roads, they should be registered. We understand the side of manufacturers and importers and the public but the law is law,” wika ni assistant secretary Vigor Mendoza III.

 

 

Ayon kay Mendoza, ang pagrerehistro ng mga e-vehicles ay makakatulong sa road safety lalo na kung ang nasabing mga sasakyan ay nasangkot sa aksidente.

 

 

Ang motoristang mahuhuli na may unregistered vehicles ay papatawan ng multang P10,000. Hindi rin papayagan na magmaneho ang minors ng e-vehicles.

 

 

Sinabi naman ni Mendoza na may 12.9 milyon na motorcycles sa buong bansa ang hindi nakarehistro. Sa isang public hearing na ginawa ng Senate justice committee na pinangungunahan ni Sen. Francis Tolentino sa isang pagtalakay sa proposed amendments ng Republic Act 11225 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act, sinabi rin ng LTO na may 2 milyon na kotse at trucks ang hindi rin nakareshitro.

 

 

Isa sa mga dahilan ng hindi pagrerehistro ay nakakalimutan nila o di kaya ay hindi nare-renew dahil sa kabiguang mag transfer ng ownership pagkatapos mabili ang sasakyan.

 

 

Mula sa datos ng LTO, ayon kay Mendoza mayron lamang na 13.9 milyon mula sa kabuuhang 38 milyon na four-wheeled na sasakyan at motorcycles na tumatakbo ang registrado as of 2003.

 

 

Minungkahi naman ni Senator JV Ejercito na siyang may akda sa amendments ng RA 11235 na dapat ang multa sa hindi pagrerehistro ng sasakyan ay dapat ibaba.

 

 

“The penalty of imprisonment for violating RA 11235 is too harsh and discriminatory to motorcycle owners,” saad ni Ejercito.  LASACMAR

Other News
  • DOH, siniguro sa publiko na hindi matutulad sa Dengvaxia ang Covid -19 vaccine

    TINIYAK ng Department of Health (DOH) sa publiko na hindi matutulad sa Dengvaxia vaccine ang  AstraZeneca Covid-19 vaccine.   Sa Laging Handa briefing, sinabi ni  Health Secretary Francisco Duque III  na  lahat ng bakuna na aangkatin ng bansa ay idadaan  sa mahigpit na pagsusuri ng mga  vaccine expert panel ng Pilipinas.   Maging ang  single-joint […]

  • Aliw na aliw ang mga netizens sa kulitan nila ni Sylvia: ICE, inakalang namatay dahil sa black and white photo sa IG

    DAHIL sa in-upload na black and white photo ni Ice Dino Seguerra sa kanyang Instagram account, napagtanto niya ngayon na, “ang hirap pala mag-post ng black and white photo sa IG, may phobia na ang mga tao.”   Ito ang nilagay na caption ni Ice sa kanyang FB post na kung saan ginawa rin niyang […]

  • GERALD, umaming napakainit ang naging comment ni JULIA sa trending boxer briefs scene niya

    “GULAT nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw,” natatawang sagot ni Gerald Anderson nang matanong sa reaksyon sa viral video na kung saan suot niya ang white boxer briefs.       Sa isang virtual interview na inilabas sa Star Magic YouTube account, naitanong nga ang eksenang kuha sa teleseryeng Init sa Magdamag na kung […]