• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, siniguro sa publiko na hindi matutulad sa Dengvaxia ang Covid -19 vaccine

TINIYAK ng Department of Health (DOH) sa publiko na hindi matutulad sa Dengvaxia vaccine ang  AstraZeneca Covid-19 vaccine.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni  Health Secretary Francisco Duque III  na  lahat ng bakuna na aangkatin ng bansa ay idadaan  sa mahigpit na pagsusuri ng mga  vaccine expert panel ng Pilipinas.

 

Maging ang  single-joint Review Ethics Board ay magsasagawa na rin ng pagsusuri.

 

Magbibigay din ang mga ito ng ulat ukol sa  pasado  ba sa kanilang pag-aaral ang mga  bakuna na posibleng bilhin ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

 

Makaraan nito ay isusumite naman sa board ng  Food and Drug Administration (FDA)  ang kanilang findings hinggil sa mga Candidate vaccine kung saan muli itong isasailalim sa regulatory and technical evaluation.

 

Dahil dito, tiwala ang Kalihim na  mahihirapang makalusot sa Pilipinas ang mga palyado o mga hindi epektibong bakuna laban sa  Covid-19. (Daris Jose)

Other News
  • BLOODIEST-EVER “SCREAM VI” GETS R-18 RATING FOR GRAPHIC HORROR, VIOLENCE

    MANILA, March 2, 2023 — Paramount Pictures’ new suspense thriller Scream VI starring Jenna Ortega, has been rated R-18 Without Cuts by the Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB).     [Watch the film’s Superbowl spot at https://youtu.be/6TOE1NbSrrU]   This means horror fans are guaranteed to watch Scream VI in its integral, original version, as the filmmakers intended […]

  • IBA-IBANG PASILIDAD PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang iba’t-ibang pasilidad kasabay ng selebrasyon ng ika-14th cityhood anniversary nito.     Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, Regional Director of the World Scout Bureau Asia Pacific Region Jose Rizal Pangilinan, Director of Bureau of Plant Industry George Culaste, at Good Greens President Simon Villalon, ang blessing at inauguration […]

  • Ads March 21, 2023