• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4Ps cash grant, mas praktikal kaysa sa pamamahagi ng bigas

MAS PRAKTIKAL ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 
Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekumenda ng National Food Authority  ang  pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip na P600 monthly rice allowance para sa mga benepisaryo ng  4Ps.
Tinuran ng DSWD na mas gugustuhin pa nito na  sumunod sa  implementing rules and regulations (IRR) ng  4Ps Act “which calls for rice cash subsidy instead of distributing actual bags of rice.”
“Under sa ating 4Ps law, talagang nakalagay doon na ang stipend natin ay cash at ito po ay ibibili ng bigas ng ating mga beneficiaries,” ayon kay Lopez.
idinagdag pa nito na ang kasalukuyang sistema  gamit ang cash card  ng mga benepisaryo ay mas praktikal at makabubuti na mamahagi ng rice subsidy at mas kapaki-pakinabang para sa mga benepisaryo dahil maaari silang mamili ng bigas na gusto nilang bilhin.
“We want to give our beneficiaries iyong ika nga nila, na purchasing power. Choice po nila iyon,” dagdag na pahayag nito.
Maliban sa rice subsidy, ang mga miyembro ng 4Ps  ay makatatangap ng monthly health at education cash grants.
Tiniyak naman ni Lopez sa publiko lalo na sa mga benepisaryo na handa ang DSWD na mamahagi ng sako ng bigas sa  4Ps beneficiaries sa halip na  cash subsidy sa oras na aprubahan ng National Advisory Council (NAC) ang resolusyon na nananawagan ng aktuwal na  rice distribution sa halip na cash grant.
Ang NAC ay binubuo ng mga miyembro mula sa iba’t ibang ahensiya ng gbyerno kabilang na ang  DSWD, Departments of Health, Education, Agriculture, Labor and Employment, at Trade and Industry.
Samantala, mahigit naman sa  760,000 4Ps pamilya ang nauna nang na-assessed bilang non-poor base sa resulta ng Listahanan 3 na nananatiling eligible  na makatanggap ng grants matapos ang  re-assessment na isinagawa ng ahensiya.
“DSWD Secretary Rex Gatchalian ordered the re-assessment using the Social Welfare and Development Indicator (SWDI),” ayon kay Lopez.
Ang SWDI ay ginagamit ng departamento  bilang  case management tool para madetermina ang progreso ng pamilya, sa pamamagitan ng pagsukat sa kanilang “level of well-being” pagdating sa “economic sufficiency at social adequacy.”
Matapos ang reassessment gamit ang naturang tool, mahigit naman sa 760,000 4Ps members ang nananatiling nasa “survival at subsistence level” at patuloy na makatatanggap ang mga ito ng  grants mula sa pamahalaan.
Tinatayang mahigit sa 330,000 re-assessed members ang nabibilang o tinatawag na non-poor at kasalukuyang nasa level ng “self-sufficiency.”
“They are now being processed for their official exit from the program through the “Pugay-Tagumpay” graduation ceremony,” ayon kay Lopez.
Ang  reassessment  aniya ay bahagi ng  pagsisikap ng departamento na i-improve ang implementasyon ng programa na naglalayong tuldukan ang inter-generational poverty sa bansa. (Daris Jose)
Other News
  • Na-inspire sa KPop, super-react ang mga bashers: SHARON, may official light stick na para sa kanyang Sharonians

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip na niya ang short video ng official light stick para sa mga minamahal niyang Sharonians at sa new gen fans na Sharmy.     Caption niya, “Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert! (I know medyo tagal pa, […]

  • 3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police

    ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO.     Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET […]

  • Jeepney phase out deadline pinalawig hanggang Dec. 31

    PINALAWIG  ng pamahalaan ang deadline ng phase out ng mga traditional jeepneys sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program hanggang katapusan ng taon.       Ito ang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni chairman Teofilo Guadiz kung saan niya sinabi na magkakaron ng pagkakaantala ang consolidation ng […]