• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SASO BUMIBIDA SA JAPAN GOLF STATS

SUMABLAY sa mga korona sa magkasunod na linggong yugto ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020, pinakahuli sa Minolta Cup nitong Linggo ng hapon si Yuka Saso.

 

Pero siya pa rin lumilitaw na nagdodomina sa standings at sa mga statstic ng mayamang palarong ito sa rehiyon

 

Ang malakas pumalong 19-anyos na top Philippine golfer ang nagtatrangka pa rin makaraan ang limang torneo sa Mercedes ranking sa nalikom ng 644.85 points.

 

Ang isinilang sa San Ildefonso, Bulacan ang bida pa rin sa annual prize money sa ¥62,088,000 (P28.5M) kinita na, maski nahanay lang sa limang magkakatabla para sa ika-13 puwesto sa Minolta sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama kunsaan nabiyayaan siya ¥2,640,000 o P1.3M.

 

Susi rito ang pinagreynahan ng Fil-Japanese na  Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido nitong Agosto 27-30 at NEC Karuizawa 72 Golf Tournament nitong August 14-16 sa Nagano.

 

Nasa tuktok din si Saso para sa average strokes (69.3889), top 10 finishes (3), eagle number (3), birdie number (74),  number of rounds of 60 car (9), par 3 average scores (2.7917), qualifying round average stroke (69.3000), first round average stroke (67.4000);

 

Nasa limang kahilera iya sa number of games played (5), solo na uli sa sa number of rounds (18), average birdie (4.11), par break rate (23.77), par save rate (90.74), par on rate (76.85), ave. no. of putts (1.755), par (271), at dalawa pang kategorya. (REC)

Other News
  • Ads October 27, 2021

  • SANYA, pinakamaraming followers na Kapuso star sa TikTok na umabot na ng 10 milyon

    DAHIL sa kakaibang karisma at kasikatan ngayon ni Sanya Lopez na kilala na rin bilang Yaya Melody ng ‘First Yaya’, umabot na nga sa 10 million ang followers ng seksing aktres sa patok na social media platform na TikTok.     Sa ngayon si Sanya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok! […]

  • DILG, LLP umapela sa Senado na ibalik ang tinapyas na P28.1-B BDP fund

    KAPWA umapela sa Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 […]