• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr

INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign.

 

 

Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Dis­yembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT ng tatlong kolorum na bus at 11 vans, na nagresulta sa total haul na P5.2 milyon.

 

 

Ang SAICT, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at pinagsanib na operatiba, ay walang pagod na labanan ang paglipana ng mga colorum vehicles sa Metro Manila.

 

 

Anang DOTr, ang mga colorum vehicles o public utility vehicles (PUVs), na ilegal na nag-o-operate, ay may hatid na banta sa public safety at sa overall efficiency ng transportation system.

 

 

“The SAICT’s efforts are in line with the Department of Transportation’s commitment to ensuring comfortable, safe, sustainable, and affordable transport network for all Filipinos,” anang DOTr.

 

 

Sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Jaime Bautista, nagpapatupad ang SAICT ng isang kumprehensibong anti-colorum strategy na kinabibilangan ng pinaigting na operasyon, intelligence gathering, at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang law enforcement agencies.

Other News
  • VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP

    KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support”  ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP).     Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni  Robredo sa  “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga  partners nito  na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding […]

  • PBBM, hiniling sa mga Pinoy na mahalin ang Pambansang Wika

    HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mahalin ang Pambansang wika, binigyang diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang ‘Filipino identity.’ “Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan […]

  • ‘Sports Summit 2021 napapanahon upang pag-usapan ang hamon sa mga atleta’

    Binuksan ngayon ang National Sports Summit 2021 na naglalayong makabalangkas ng mga polisiya para sa mga atletang Pinoy sa panahon ng pandemya.     Ang summit ay ginaganap anim na buwan bago naman ang Tokyo Olympics kung saan hanggang sa ngayon ay pangarap pa rin ng Pilipinas ang kahit isang gold medal sa Olimpiyada.   […]