Pagdinig sa resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study, isinagawa
- Published on December 15, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPULONG nitong Martes ang Komite ng Transportasyon na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop upang dinggin ang resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).
Isinalaysay ni Acop na nagsimula ang pag-aaral noong 2017 bilang anim na buwang programa para sa operasyon ng aabot sa 27,000 motorcycle taxis sa Metro Manila.
Ang pilot study ay opisyal na nagsimula noong 2019 kasama ang Angkas, MoveIt at Joyride bilang mga kalahok.
Iniulat ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na ang pilot study ay patuloy pa rin, kung saan ang University of the Philippines (UP) – National Center for Transportation Studies ay nagsasagawa ng masusing pagsusuri sa kapasidad sa merkado ng mga MC taxi.
Ayon kay ASec. Mendoza, isasaalang-alang ng pagsusuri ang epekto ng mga bagong kalahok sa programa, katulad ng Cloud Panda, Taxi Philippines Inc., E-PickMeUp Inc., Easyway Transport Service, Para Express Technology Services, Grab Philippines at Market Innovators Inc. Sa kaniyang pagtantiya, matatapos ang pinal na ulat sa loob ng 60 hanggang 90 araw.
“Because of the need for further in-depth study specifically for the market capacity, as well as the results of the entry of new participants to the program, the TWG is asking for an extension of the program until such time that the committee is ready to pass a bill related to the operations of MC taxis,” tanong ni ASec. Mendoza.
Hinimok ni Bulacan Rep. Augustina Dominique Pancho ang LTO na isama ang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa patuloy na pag-aaral dahil sila ay maaapektuhan kapag ang bagong paraan ng transportasyon ay magagamit na sa publiko.
Hiniling din ng Komite na isama sa pag-aaral ang epekto ng mga MC taxi sa ibang mga negosyo sa transportasyon.
Inaprubahan din ng Komite ang mga sumusunod na lokal na panukalang batas: House Bills 9416, 9433, at 9546, na naglalayong magtatag ng mga tanggapan ng LTO sa distrito ng Maayon Capiz, at Ticao Island Masbate, ayon sa pagkakasunod. (Ara Romero)
-
Tokyo Disneyland sarado hanggang Marso 15
ISASARA sa loob na susunod na dalawang linggo ang Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea. Ang closure ay magsisimula ngayong araw February 29 at tatagal hanggang sa March 15. Sa pahayag ng operator ng Disneyland na Oriental Land, inaasahan nilang makapagre-resume sila ng operasyon sa March 16. Kada taon ay umaabot sa 30 milyon […]
-
GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan
WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus. Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot […]
-
Mega Job Fair sa Navotas City
NASA 254 Navoteno ang nag-apply sa Mega Job Fair na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 118th Navotas Day kung saan tampok ang 27 na mga kompanya at ang mga ahensya ng SSS, Pag-Ibig, at PhilHealth. Sa talumpati ni Mayor John Rey Tiangco, pinayuhan niya ang mga jobseekers na pagyamanin ang kanilang kaalaman upang mas maraming […]