• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VENDORS BIBIGYAN NG LIBRENG SWAB TESTING

INIUTOS ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isailalim sa libreng “swab test” ang lahat ng vendors sa labing-pitong public market sa lungsod ng Maynila.

 

 

Ang naturang direktiba ay sinabi ni Yorme kina Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy kung saan layunin ng alkalde na maging ligtas at walang sakit na COVID-19 ang mga nagtitinda sa loob ng mga pampublikong pamilihan upang mabigyan ng kapanatagan ang mga konsumer o mamimili dito.

 

 

Isasagawa ang naturang “mass testing” sa lahat ng vendors sa oras na magsimula ang operasyon ng panibago at ikalawang RT-PCR molecular lab sa Sta Ana Hospital sa susunod na linggo.

 

 

“Matutuwa pa mga vendor, bakit? Hindi gagastos ang vendor ng kwatro mil para ma-test, kase sa hirap ng buhay. So makakatipid na sila, panatag na sila, yung consumer natin, panatag din,” paliwanag ni Domagoso sa ginanap na lingguhang pagpupulong ng mga Department Heads at Officials ng Manila City Hall ngayong araw.

 

 

Dagdag pa ni Yorme, matapos isailalim sa libreng pagsusuri ang mga vendor ay isusunod naman na isailalim sa gold standard ng COVID-19 testing ang mga tsuper ng pedicab, tricycle at pampasaherong jeep, gayundin ang mga matansero. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ‘Price ceiling’ sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan

    Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatakda ng hangganan sa pagpepresyo ng ilang produktong baboy at manok sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagsirit nito buhat ng African swine fever (ASF) na nakaapekto sa suplay ng karne sa Pilipinas.     Una nang humiling ng “price control” at dagdag sahod ang mga manggagawa’t Department of […]

  • DOH nagpaliwanag vs COA report: ‘Mga gamot naipamahagi na’

    NAGPALIWANAG ang Department of Health (DOH) matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang P2.2-billion halaga ng expired at over- stocked na gamot na hindi raw naipamahagi ng ahensya mula 2019.   “The DOH responded to the issue that DOH has around P2.2 billion worth of expired drugs and medicines, and medical and dental supplies […]

  • PAGTAAS NG KASO NG DENGUE, NAKITA SA 4 NA REHIYON

    NAKITAAN  ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang opisyal ng health department.     Sa  media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang […]