• September 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Price ceiling’ sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan

Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatakda ng hangganan sa pagpepresyo ng ilang produktong baboy at manok sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagsirit nito buhat ng African swine fever (ASF) na nakaapekto sa suplay ng karne sa Pilipinas.

 

 

Una nang humiling ng “price control” at dagdag sahod ang mga manggagawa’t Department of Agriculture matapos umabot sa P400/kilo ang baboy nitong Enero sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

“Naprirmahan na po ng ating presidente ang Executive Order 124. Ito po ay nagpapataw ng price ceiling sa mga produktong baboy at manok,” ani presidential spokespeson Harry Roque sa isang briefing, Lunes.

 

 

“Hindi na po pupwedeng ibenta ang baboy, ang pigue, na higit pa sa P270/kilo. Ang liempo hindi pupwedeng ibenta nang mas mataas pa sa P300/kilo at ang dressed chicken ay hindi po pu-pwedeng ibenta nang [higit sa] P160/kilo.”

 

 

Ang kautusan ay epektibo sa loob ng 60 na araw matapos maisapubliko sa mga peryodiko at Official Gazette, maliban kung palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos irekomenda ng DA.

 

 

Haharap naman sa mga parusa ang sinumang lalabag sa naturang kautusan ni Digong, paliwanag ni Roque.

 

 

“‘Yung mga hindi po susunod, meron pong ipapataw na parusa kasama po ang pagsasarado ng mga pwesto. So kung gusto niyo pong manatiling magnegosyo… ng baboy at manok, sumunod po tayo sa price ceiling,” dagdag ng tagapagsalita ng presidente.

 

 

“Sa panahon ng pandemya, kailangan naman pong magbayanihan po tayong lahat.”

 

 

Nangyari ang mga pagsirit sa presyo ngayong nalulugmok ang ekonomiya ng Pilipinas. Umabot kasi sa 9.5% ang ibinansot ng gross domestic product (GDP) ng bansa nitong 2020 dahil na rin sa tama ng mahahabang COVID-19 lockdowns at serye ng mga sakuna.

 

 

Itinuturing itong pinakamalaking pagbulusok sa economic output ng Pilipinas simula nang mag-record ng GDP data ang bansa noong 1946 — bagay na sinundan ng 7% contraction noong 1984 sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos.

 

 

Wala pa namang balita kung magpapatupad din ng kahalintulad na EO sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila.

 

 

Sa huling inilathalang price monitoring ng DA nitong Biyernes, umaboty sa P400 hanggang P440 ang presyo ng kilo ng liempo, habang P170 hanggang P200 ang whole dressed chicken.

 

Other News
  • Bukod sa pagiging abala sa pagdidirek: XIAN, bibida uli sa teleserye at makatatambal si Ashley

    SI Xian Lim ang magdidirek ng bagong music video ni Glaiza de Castro.   Naging close ang dalawa pagkatapos nilang magtambal sa GMA teleserye na ‘False Positive’.   Sa kanyang Instagram, nag-share si Xian ng ilang photos sa unang araw niya ng shooting kasama ang OC Records sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bataan.   […]

  • LTFRB magbubukas ng 3 bagong ruta

    MAGBUBUKAS ng tatlong bagong ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa napipintong paghinto ng operasyon ng serbisyo ng Philippine National Railways (PNR).     Ang mga sumusunod na bagong ruta ay ang FTI-Divisoria via East Service Road, Alabang (Starmall) – Divisoria via South Luzon Expressway para sa mga public utility buses […]

  • NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games

    Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.     Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.     Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses […]