• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cha-cha, dapat nakatuon sa paghikayat sa mga potential investors

SINABI  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ang pag-aaral para amiyendahan ang 1987 Constitution ay dapat na nakatuon sa kung paano aakitin at hihikayatin  ang mas maraming investors sa bansa.

 

 

 

Sa isang ambush interview sa Muntinlupa City,  hiningan  kasi si Pangulong Marcos ng reaksyon sa kamakailan lamang na panawagan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa  Charter change (Cha-cha).

 

 

 

Aniya, ang pag-aaral sa usaping ito ay dapat na nakatuon sa kung paano hihikayatin ang mga mamumuhunan na pumunta ng Pilipinas na kanyang  “primary interest.”

 

 

 

”We’re just beginning to study because we keep on talking about economic provisions that are getting in the way with some of the potential investors,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

 

“In my interest, my primary interest is to try make our country an investment friendly place… That’s why the study is really not about the Constitution, it’s about what do we need to change so that these potential investors would come to the Philippines,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ng Pangulo na itutuon ng pansin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa darating na 2024 ang atensyon nito sa panukala kaugnay sa restriksyon sa pagpasok ng  foreign capital at investments  kabilang na ang Cha-cha.

 

 

 

Sa isang talumpati bago pa nag-adjourned ng sesyon ang Kongreso hanggang Enero 22, 2024, tinukoy ni Romualdez na kailangan ang Cha-cha para i-unlock ang potensiyal ng PIlipinas bilang  isang investment destination.

 

 

 

“Next year, we will focus our attention on studying and reviewing proposals that deal with the restrictions blocking the entry of foreign capital and investment in the Philippines,” ayon kay Romualdez.

 

 

 

“These include deliberations on proposed measures related to Constitutional change,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

Other News
  • Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019

    HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may […]

  • TODA Pasabuy System pinalawak ng Valenzuela at Foodpanda

    PINALAWAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang tulong pangkabuhayan sa mga tricycle drivers at operators matapos lumagda ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang Food Panda Philippines Incorporated (FPPI).   Sa pamamagitan ng pasabay system na itinatag sa lungsod upang mabuksan ang mga oportunidad ng pangkabuhayan para sa mga Tricycle Operator at Drivers […]

  • Super nag-enjoy sa bakasyon nila sa Singapore: Relasyon nina JULIA at GERALD, ipinapakita na mas lalong tumatag

    IPINAPAKITA lang talaga ng mag-dyowa na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na habang tumatagal, mas lalong tumatatag ang relasyon nila.     Kahit ilang beses na naiintriga na kesyo nagkakalabuan o break na, dedma lang ang dalawa at manggugulat na masaya silang magkasama.     Tulad na lang sa pag-attend nila sa F1 race […]