• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TODA Pasabuy System pinalawak ng Valenzuela at Foodpanda

PINALAWAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang tulong pangkabuhayan sa mga tricycle drivers at operators matapos lumagda ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang Food Panda Philippines Incorporated (FPPI).

 

Sa pamamagitan ng pasabay system na itinatag sa lungsod upang mabuksan ang mga oportunidad ng pangkabuhayan para sa mga Tricycle Operator at Drivers ‘Associations (TODAs), ang bagong pakikipagsosyo ay magbibigay ng karagdagang paraan para sa mga tricycle driver na ma-maximize ang online food delivery services upang matulungan ang mga units ng pamahalaang lokal sa panahon ng COVID-19 pandemya.

 

Isa ang Foodpanda sa pinakatanyag na online food delivery apps sa Pilipinas na nagpasimula ng pandaTODA bilang isang Corporate Social Advocacy (CSA) para suportahan ang mga lokal na komunidad sa pagtiyak na ang mga kasosyo sa restaurants ay mas magagamit at naa-access, habang nagbibigay din ng alternatibong paraan ng pamumuhay sa mga tricycle drivers na apektado ng community quarantine sa pampublikong transportasyon.

 

Ang operasyon ng mga tricycle sa lungsod ay nabawasan kasunod ng itinakdang mini- mum health standards ng Inter- Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ang mga tricycle driver na hindi pinapayagan pumasada ay maaaring mag-operate bilang isang pandaTODA rider.

 

Ang mga kwalipikadong driver na sinala at tinukoy ng Public Employment Service Office – Local Economic Investment Promotions Office (PESO- LEIPO) at Public Order and Safety Group (POSG) ng lungsod ay sasailalim sa oryentasyon. 150 na mga drayber beneficiary ang sasanayin na maging opisyal na rider ng pandaTODA.

 

“This is an instruction of the new normal since it is not advisable anymore that we go to restaurants but rather to avail of the services of the restaurant. We bring it [food] to them [people]. We know that foodpanda’s partnership with different restaurants is of a large scale, this is a proof that we can help our Micro, Small and Medium Enterprises here in Valenzuela.” Ani Mayor Rex Gatchalian.

 

“Magiging bahagi sila [TODAs] ng delivery system, so again sa mga TODA natin dagdag ito sa hanapbuhay ng mga driver natin. So at least parami nang parami ‘yung partner natin, parami ng parami yung pwedeng pagkaabalahan ng ating mga driver sa kanilang downtime (The TODAs will be part of the delivery system, so again this is an additional livelihood for our drivers. At least we have more partners now and the drivers have more options to earn a living during their down- time),” dagdag ni Mayor REX. (Richard Mesa)

Other News
  • Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR

    SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.     Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay […]

  • Nagpapasalamat sa sumusuporta at nagdarasal… LIZA, nadismaya sa ‘di pagdating ng kabilang panig sa mediation sessions

    SUNUD-SUNOD ang naging post ni Liza Diño kahapon tungkol sa haharapin niyang mediation sessions para sa cyber libel cases na kanyang sinampa.       Unang post niya, “Attending three mediation sessions today for the cyber libel cases I filed. Kailangan ko ng lakas. Pls pray for me and for the truth to prevail. Thank […]

  • Durant nagtala ng 26-pts sa panalo ng Nets kahit wala pa si Harden at Irving

    Mistulang pasalubong ang bagong panalo ng Brooklyn Nets sa bago nilang teammate na si James Harden na lumipat mula sa Houston Rockets.   Nanguna sa kanyang all-around game si Kevin Durant na may 26 points upang itala ng Brooklyn ang ikapitong panalo sa kabila na siyam lamang silang mga players.   Para naman sa Knicks […]