• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 15-K vehicles, nadagdag sa mga lansangan ng NCR nang mag-umpisa ang Disyembre – MMDA

INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya.

 

 

Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, ito ang pangunahing dahilan ng mga traffic buildup sa iba’t-ibang mga lansangan sa lungsod.

 

 

Ayon pa kay Nuñez, sa kabila ng pagsasara ng ilang mga eskwelahan para sa Christmas break, marami pa rin ang mga kumpulan ng sasakyan at madalas ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga lansangan.

 

 

Marami sa mga ito ay namonitor sa pagsapit ng hapon at gabi, habang mas kontrolado umano ang daloy ng trapiko sa umaga.

 

 

Maalalang una nang inilabas ng MMDA ang projection nitong pagtaas ng bilang ng mga sasakyan ngayong panahon ng kapaskuhan ng mahigit pa sa sampung porsyento mula sa dating dagsaan ng mga sasakyan noong panahon ng Undas.

Other News
  • Sahod ng kasambahay sa NCR, abot na sa P6K/buwan

    AABOT na sa P6,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa kanila.     Mabebenipisyuhan nito ang nasa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa rehiyon.     Sa kabila nito, naniniwala si outgoing Labor Secretary Silvestro Bello III […]

  • Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020!

    Winner ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment website na LionhearTV.net na ginanap nitong Sabado ng gabi.   Kinilala bilang ‘Actor of the Year’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at si Maine Mendoza naman para sa ‘Actress of the Year.’   Dahil sa epektibong pagganap ng ‘Prima Donnas’ star […]

  • IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling

    HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod […]