• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Royal Blood’: RHIAN, nagwaging Best Actress sa ’12th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal’

NAGBUNGA ang husay ni Rhian Ramos sa ‘Royal Blood’ kung saan noong umeere ito sa Kapuso Network ay isa siya sa napupuri nang husto ng mga netizens sa kanyang pagganap bilang si Margaret Royales.

 

 

Nito lamang Sabado, December 16 ay ginawaran si Rhian ng parangal bilang Best Actress sa 12th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal.

 

 

Ginanap ang awards night sa Anchor Center Bldg. sa Quezon City.

 

 

Bukod kay Rhian ay napanood rin at nakipagtagisan ng galing noon sa ‘Royal Blood’ sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, at Rabiya Mateo.

 

 

Samantala, marami na ang excited sa bagong pagsubok sa kanyang kahusayan dahil malapit na ring mapanood si Rhian sa Sang’gre na pagpapatuloy na kuwento ng Encantadia.

 

 

Bilang Mitena ay gagampanan ni Rhian ang karakter ng isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.

 

 

***

 

 

AYAW magsosyo sa negosyo nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

 

 

Deretsahang sinabi ito ng rumored boyfriend/girlfriend sa presscon ng ‘Firefly’ kung saan kasali sila sa mga cast members.

 

 

Ayaw raw kasi nila na dumating sa puntong magkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, lalo na tungkol sa pera, na maaaring makaapekto sa kanilang samahan.

 

 

May point naman sila dahil may mga napapabalita ngayon na mga couples na naghiwalay na ngayon at nagkakagulo lalo dahil may mga pinagsosyohang negosyo.

 

 

May ilan pa nga raw na aabot pa sa demandahan dahil nga nag-break na pero hindi maayos ang partehan sa kanilang mga business.

 

 

Kaya naman may sariling negosyo si Ysabel, isang bakeshop at ang branch ng Nailandia spa and nail salon sa Timog kung saan kasosyo niya sina Elle Villanueva at Sophia Senoron.

 

 

Pag-aari ito ng mag-asawang Noreen at Juncythn Divina na kailan lamang ay nag-celebrate ng kanilang wedding anniversary.

 

 

Samantala, guwapung-guwapo kami lalo ngayon kay Miguel, at naalala namin noong child actor pa lamang siya kay Euwenn Mikaell, ang bidang batang actor sa ‘Firefly’.

 

 

Mestiso si Euwenn, iyon ang pagkakaiba nila ni Miguel, pero pareho silang guwapo at mahusay na mga child stars, lalo noong si Miguel ay batang paslit pa lamang bilang si Pagaspas sa Mulawin noong 2004.

 

 

Tulad ni Miguel, kahit bata pa lamang siya ay marami na ang humanga sa husay ni Euwenn bilang aktor; ang galing-galing ni Euwenn sa ‘Firefly’ na entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25, araw ng Pasko.

 

 

Sa mga eksena nila ni Alessandra de Rossi ay nakeri ni Euwenn na makipagsabayan ng aktingan kay Alessandra na para sa amin ay isa sa pinakamahusay na aktres dito sa Pilipinas.

 

 

Sa direksyon ni Zig Dulay, ipagdadasal namin na bukod sa kumita nang bongga sa takilya ay humakot rin ng awards ang Firefly, na kung saan kasama rin sina Max Collins, Yayo Aguila at Cherry Pie Picache.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president

    Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments.   Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]

  • 2 BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA MALABON

    DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan matapos lumutang sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city.     Ayon kay Malabon Police chief P/Col. Albert Barot, dakong ala-6 ng umaga nang makita ng ilang nagja-joging ang bangkay ni Ernesto Francisco Jr, 29 ng 27 Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, […]

  • NEW “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” MOVIE CAUSES “MAYHEM” AT U.S. BOX OFFICE WITH $43M, OPENS IN PH AUGUST 23

    NOW that’s mayhem.  Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, directed by Jeff Rowe (The Mitchells vs. the Machines) and co-written by actor Seth Rogen, exceeded expectations and took in $43 million at the U.S. box office on its first five days, an impressive feat for the $70 million production. The film has also opened in […]