• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRO hinain ng PISTON sa SC

NOONG nakaraang Miyerkules ay naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang grupong PISTON upang humingi ng temporary restraining order (TRO) laban sa consolidation ng prangkisa na siyang kailangan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

Sa kanilang petisyon ay kanilang sinabi na ang mandatory consolidation ay isang paglabag sa karapatan na magkaron ng malayang samahan.

 

 

 

“The constitutionally guaranteed freedom of association includes the freedom not to associate,” wika ng PISTON.

 

 

 

Ang programa sa PUV modernization ay kinakailangan upang ang jeepney operators ay mag consolidate ng kanikanilang prangkisa upang maging isang prangkisa na lamang sa ilalim ng kooperatiba o korporasyon na may deadline sa darating na Dec. 31.

 

 

 

Ayon sa PISTON, may 140,000 na drivers at 60,000 na maliliit na operators ang mawawalan ng prangkisa kung ang deadline ay mananatili. Dagdag ng PISTON na may 28.5 milyon na pasahero ang maaapektuhan sa buong bansa na siyang magiging sanhi ng “transport disaster” ngayon Jan. 2024.

 

 

 

Sinabi ni PISTON national president Mody Floranda na ang kailangan nila ay yong sama-samang pagkilos at paglahok sa iba’t ibang mobilization o anumang pagkilos ng mga drivers at ng mamamayan upang itulak mismo ng pamahalaan na ibasura ang mapaniil na polisia at patakaran na ayon sa kanila ay anti-tsuper, anti-operator at anti-mamamayan. Binibigyan suporta naman ng samahang Manibela ang petisyon ng PISTON.

 

 

 

Ang nasabing dalawang grupo ay kumikilos pa rin hanggang ngayon Biyernes upang magwelga habang sila ay naghihintay na magkaron ng desisyon ang pamahalaan na magkaron pa ng extension ang deadline sa Dec.31.

 

 

 

Naniniwala ang mga jeepney drivers at operators na ang modern jeepneys ay masyadong mahal. Kung sila naman ay magkakaron ng consolidation upang magkaron na lamang ng single-unit operator sa ruta ng kanilang prangkisa ay tiyak na mapupunta lamang sa malalaking korporasyon at kooperatiba sa transportasyon ang nasabing prangkisa.

 

 

 

Mas gusto ng mga drivers at operators na magkaron na lamang ng upgrading ng kanilang existing units kung saan mas mura at magiging fuel efficient at environment friendly din naman ito.

 

 

 

Subalit sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang paglahok sa isang kooperatiba at korporasyon ay magiging daan upang ang mga operators at drivers ay magkaron ng madaling access sa pondo lalo na kung sila ay kukuha ng loans para sa modern jeepneys. Kasama sa mga financial institutions na nagbibigay ng loan para sa nasabing programa ay ang Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP) at may plano rin ang lokal ng pamahalaan na lalahok sa programa upang magbigay  ng pondo. LASACMAR

Other News
  • State of Calamity sa Luzon, epektibo hangga’t hindi binabawi ni PDu30

    MANANATILING epektibo ang State of Calamity sa Luzon hangga’t hindi ito binabawi ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.   Ito ang nakasaad sa proklamasyon na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.   Inilagay ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng  State of Calamity matapos manalasa ang mga bagyong  Quinta, Rolly at Ulysses sa mga nakalipas na linggo […]

  • Nakatutuwa ang mga description ni Yasmien: ALDEN, magulo na makulit at sobrang madaldal naman na si BEA

    NAKATUTUWA ang mga description ni Yasmien Kurdi kina Alden Richards at Bea Alonzo na mga katrabaho niya sa ‘Start-Up PH.’   “Magulo, hindi niyo alam na magulo siya sa set,” unang sinabi ni Yasmien tungkol kay Alden.   “Makulit. Kung ano yung pino-portray niya… nagulat ako na hindi pala siya ganun.   “Makulit si Alden. […]

  • Pagbati buhos para kay EJ Obiena kahit nabigo sa target na podium finish

    Patuloy ang pagbuhos nang pagbati mula sa maraming kababayan kay EJ Obiena sa kabila nang pagkabigo nitong umabot sa podium finish sa finals ng pole vault event na ginanap sa Tokyo National Stadium.     Una rito, nabigong maitawid ni Obiena hanggang sa ikatlo niyang attempt ang 5.80 meters.     Bago ito ay na-clear […]