• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State of Calamity sa Luzon, epektibo hangga’t hindi binabawi ni PDu30

MANANATILING epektibo ang State of Calamity sa Luzon hangga’t hindi ito binabawi ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.

 

Ito ang nakasaad sa proklamasyon na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

 

Inilagay ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng  State of Calamity matapos manalasa ang mga bagyong  Quinta, Rolly at Ulysses sa mga nakalipas na linggo na naging dahilan ng malawak na pinsala sa  agricultural crops at imprastraktura at matinding pagkagambala sa buhay ng  libong mga Filipino.

 

“The declaration of state of calamity will hasten the rescue, relief and rehabilitation efforts of the government and the private sector, including any humanitarian assistance,” ang nakasaad sa Proclamation 1051.

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim sa State of Calamity ang buong isla ng Luzon.

 

Sa ilalim ng State of  Calamity,  awtomatikong may price freeze ang mga pangunahing bilihin para sa lahat ng implementing agencies ng Price Act para sa lahat ng lugar na deklaradong nasa ilalim ng State of Calamity.

 

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagay na ito.

 

Gaya na lamang ani Sec. Roque, ang Department of Agriculture ay may price freeze ang  “bigas, mais, cooking oil, dried at iba pang marine products, fresh eggs, fresh pork, beef at vegetables, root crops, sugar at fresh fruits”

 

Department of Trade and Industry: “canned fish at iba pang marine products, processed milk, kape, laundry soap, detergent, kandila, tinapay, asin,  potable water sa bote  at containers, locally-manufactured instant noodles”

 

Department of Environment and Natural Resources : “firewood at charcoal”

 

Department of Health: “drugs classified essential by DOH”

 

Department of Energy:  “household liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene

 

Tiniyak naman ng Ehekutibo na ang lahat ng  departmento at concerned agencies ay nagtutulungan para sa “rescue, recovery, relief and rehabilitation of affected areas and residents.” (DARIS JOSE)

Other News
  • Ads March 6, 2024

  • JESSICA, inaalala ang magiging buhay ng mga taga-Afghanistan dahil sa Taliban; di na mabubura ang nasaksihan noong 2002

    NEVER daw mabubura sa isipan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang mga nasaksihan niya sa Afghanistan nang mag-cover siya rito noong 2002.      Nagiging emosyal si Soho tuwing maaalala niya ang pagsabog ng isang ambulansiya na malapit lang sa kanilang kinatatayuan.     Nang panahong iyon, nakontrol na ng mga sundalong Amerikano at […]

  • Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors

    NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City.   Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat […]