Communication plan sa pagbubukas ng ekonomiya, ilalatag ng gov’t – Palasyo
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
Maglalatag ng communication plan ang pamahalaan sa harap ng sinisimulan ng pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatawagin nila itong ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.”
Ayon kay Sec. Roque, paghahanap-buhay lang talaga ang nakikitang pamamaraan ng pamahalaan para muling makabangon ang ekonomiya at sa harap ng agam-agam ng publiko na mahirap bumuti ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan.
Lumabas umano sa kamakailang survey na dalawa sa bawat limang adult Filipinos ang nagsasabing inaasahan na nilang mas lalala pa ang ekonomiya sa susunod pang 12 buwan.
Nauunawaan naman daw nila ang pagiging negatibo ng ating mga kababayan kaya kaakibat ng muling pagbubukas ng mga negosyo ay ang pangangailangang maging maingat na gagawan ng gobyerno ng isang communication plan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Stevedore binaril sa ulo ng 2 lalaki, patay
DEDBOL ang isang 22-anyos na stevedore matapos barilin ng dalawang lalaki nangingikil at nambabanta sa mga trabahador sa Market 1 nang tumanggi umanong magbigay ng isda ang biktima sa mga suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC), Navotas city. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, dead- on-the-spot si Roel Batiancila ng BGA […]
-
Pinoy na walang trabaho lumobo sa 1.97 milyon
TUMAAS sa 1.97 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho nitong Oktubre batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon kay PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na ang mga jobless individuals ay nasa mula 15 taong gulang pataas. Aniya, ang jobless Pinoy noong Oktubre ay mas mataas […]
-
KRISTOFFER, ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya dahil COVID-19
NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang pinagdaanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na COVID-19. Nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ama, ina at kapatid na lalake. Magkasama silang tatlo na nag-quarantine at nagpagaling sa bahay nila sa Olongapo City, samantalang si Kristoffer ay nasa Manila at siya ang naging tagapagbili ng […]