• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hoping na madagdagan para mas marami ang makapanood: MIGUEL at YSABEL, parehong nalungkot na konti lang sinehan ng ‘Firefly’

ISANG isyu tungkol sa ‘Firefly’ ay ang pagkakaroon ng kakaunting sinehan na pinagpapalabasan nito ngayong Pasko.

 

 

Ano ang masasabi ni Ysabel Ortega tungkol dito?

 

 

Lahad ni Ysabel, “Of course we’re hoping na as the days go by mas dumami ang sinehan kasi naniniwala po talaga kami sa pelikula.

 

 

“And siyempre gusto namin ng chance na maipakita sa mga tao kung gaano kaganda itong film na ‘to so hopefully talaga hopefully once mapanood nila.

 

 

“Hopefully yung mga reviews that are coming out will be enough para madagdagan pa yung mga sinehan namin.

 

 

“We’re hoping for the best.”

 

 

Tinanong namin si ‘Ysabel’ kung pang-acting award ba ang ipinakita niya sa Firefly?

 

 

“Yung movie talaga na ito is really yung istorya nung mag-nanay so n aniniwala kami na yung performance nila is pang-award winning talaga so we’re rooting for them,” pahayag pa ni Ysabel na ang tinutukoy ay ang mga bida sa pelikula na sina Alessandra de Rossi (bilang si Elay) at Euwenn Mikaell (bilang si Tonton).

 

 

Mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs at sa direksyon ni Zig Dulay at panulat ni Angeli Atienza, nasa cast rin ng ‘Firefly’ sina Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Max Collins, Kokoy de Santos, Epy Quizon at si Dingdong Dantes.

 

 

***

 

 

“AKO personally malungkot,“ ang deretsahang pag-amin naman ni Miguel Tanfelix nang tanungin rin namin tungkol sa kakaunting sinehan ng Firefly na entry sa MMFF 2023.

 

 

“Dahil pag maganda yung output ng ginawa niyo, siyempre inaasahan mo, gusto mo mapanood ng maraming tao.

 

 

“Na matuto sila sa film ma-appreciate nila yung film.

 

 

“Kaso iyon nga, pag konti yung sinehan mas less yung opportunity nilang mapanood yung film namin kaya… hindi ko naman alam yung proseso diyan so ang magagawa ko na lang is malungkot,” at natawa si Miguel.

 

 

Umaasa rin si Miguel, tulad ni Ysabel, na habang dumadaan ang araw, sa pamamagitan ng word of mouth tungkol sa kagandahan ng ‘Firefly’, ay mas dumami pa ang mga sinehang pagpapalabasan nito.

 

 

“Iyon na nga e, so kailangan word of mouth na ibalita nila sa mga kapitbahay nila, Kapamilya nila, Kapuso nila, na Maganda yung film namin dahil kami, naniniwala kami sa film.”

 

 

Pang-award ba ang acting ni Miguel sa Firefly?

 

 

“Ibigay na po natin sa film, kay direk, kay ate Alex, kay Euwenn.

 

 

“Kami, kung bibigyan niyo po bakit hindi,” at tumawa si Miguel.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Nagulat ang mga fans nang muling mag-post sa IG niya: Pagpaparamdam ni TOM, ‘di pa rin hudyat sa pagbabalik-showbiz

    HAPPY ang mga fans ni Kapuso Drama King Dennis Trillo, ngayong balik-trabaho na siya sa bagong naiibang teleserye sa GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra.”     Marami na ang nagtatanong kung ano raw ang naturang serye, kung ito raw ang story nina Maria Clara at Ibarra na mga pangunahing tauhan ng “Noli Me […]

  • Kinilig ang netizens sa viral videos: ALDEN, sinurpresa si KATHRYN bitbit ang regalo at malalaking bulaklak

    PINAG-UUSAPAN at nag-viral na naman ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos na kumakalat ang video nila sa isang event.     Ilang mga X users na nag-upload ng video kina Kathryn at Alden na kung saan nagse-selfie ang mga ito at isa namang may pa-surprise gift at bouquet si Alden para sa aktres. […]

  • 1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

    ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.   Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 […]