• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Investments mula sa byahe ni PBBM, umabot sa mahigit P4 Trillion —DTI

UMABOT sa P4.019 trillion o US$72.178 billion ang pinagsama-sama, pinagtibay at pinrosesong investment mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).

 

 

Ayon sa departamento, ang mga investments ay nasa iba’t ibang stages, sabay sabing ang halaga ay pinagsama-samang 148 mga proyekto.

 

 

Inilarawan pa ng DTI ang pamumuhunan bilang negosyo, sabay sabing “investment promotion agency (IPA) registered with operations (US$205.53M or P11.4B), Business/IPA registered (US$983.21M or P54.75B) IPA registration in progress operations (US$5.079B or P282.8B), signed agreement with clear financial project value (US$9.771B or P544.152B), signed memorandum of understanding/letter of intent (MOU/LOI) (US$28.529B or P1.588T) and confirmed investment not covered by MOUs/LOIs and those that are still in the planning stage (US$27.345B or P1.522T).”

 

 

Winika pa ng departmento na masusi nitong mino-monitor ang 20 proyekto na may go signal at rehistrado na sa IPAs ng DTI, Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

 

 

Sinabi pa ng DTI na karamihan sa mga investments sa naturang sektor ay “manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.”

 

 

Samantala, sinabi ng DTI na ang business engagements sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Tokyo, Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit ay idinagdag sa ginagawang pagmo-monitor ng ahensiya, kabilang ang US$263.08 million o P14B ng total value at siyam na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.

 

 

Iniulat ng DTI na mayroong tatlong tinintahan na kasunduan na may malinaw na financial project value na nagkakahalaga ng US$85.07 million at anim na MOU/LOI na nagkakahalaga naman ng US$178.01 million.

 

 

Idagdag pa rito, ang naging partisipasyon ni Pangulong Marcos Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco, California ay idinagdag din sa DTI monitoring, kabilang ang US$672.3 million o P37.2 billion sa kabuuang halaga at anim na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.

 

 

Matatandaang, napaulat na inulan ng kritisismo ang madalas na foreign trips ni Pangulong Marcos mula nang magsimula ang kanyang administrasyon, subalit idinepensa naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga naging pagbyahe sa ibang bansa, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang kanyang partisipasyon at pagdalo sa mga events sa ibang bansa ay makatutulong para isipin ng mga ito (ibang bansa) ang Pilipinas.

 

 

Winika pa ni Pangulong Marcos na dapat tingnan ng publiko ang balik na investments sa mga nakalipas niyang pagbiyahe. (Daris Jose)

Other News
  • 15 toneladang relief supplies hinatid ng C-130 sa Cebu

    Naihatid na ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang nasa 15 tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Cebu.     Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, ang mga relief supplies ay inilipad mula sa Villamor Airbase patungong Benito Ebuen Airbase sa Mactan kahapon sa dalawang […]

  • PUNERARYA SA MAYNILA NA MAGPAPAHINTULOT NG INUMAN SA LAMAY, BABAWIIN ANG BUSINESS PERMIT

    BABAWIIN ang business permit at hindi papayagan na mag-operate ang sinumang punerarya sa Lungsod ng Maynila na nagkakaroon ng oniman sa lamayan, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.   Ang naturang babala ay sinabi ni Domagoso sa kanilang isinagawang lingguhang pagpupulong kasama ang mga Department Heads at mga opisyal ng Manila City Hall ngayong […]

  • SYLVIA, ‘di makapaniwala na magiging endorser ng ‘Bench’ at kasama pa ang anak; naulit ang pangarap na billboards after ng ‘Beautederm’

    NATUTUNGHAYAN na this week ang back story ni Barang, ang kinaaaliwan at minamahal na character sa Huwag Kang Mangamba na mahusay na ginagampanan ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.     Isa ito talaga sa inaabangan namin, na for sure, maraming masasagot at mabubunyag tungkol sa kanyang pagkatao na sinusubaybayan ng manonood sa Kapamilya […]