2 tulak laglag sa Caloocan drug bust
- Published on December 29, 2023
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P80,000 halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Jobert, 35, ng Brgy. 120 ng lungsod at alyas Julius, 44, pintor ng Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-11:31 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation sa 2nd Avenue, BMBA Compd., Brgy.120 kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na report hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu at nang tanggapin nila ang markadong salapi mula sa pulis kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Ayon kay Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P88,400 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 7-pirasong P1,000 boodle money.
Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
576,352 kabuuang bilang ng virus
Mula sa 2,921 kahapon, bahagyang bumaba sa 2,113 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa. Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas. Ang nasabing oras ay halos kasabay […]
-
Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac. Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo. Nakasaad sa Executive Order 119 na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya […]
-
Tokyo Disneyland sarado hanggang Marso 15
ISASARA sa loob na susunod na dalawang linggo ang Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea. Ang closure ay magsisimula ngayong araw February 29 at tatagal hanggang sa March 15. Sa pahayag ng operator ng Disneyland na Oriental Land, inaasahan nilang makapagre-resume sila ng operasyon sa March 16. Kada taon ay umaabot sa 30 milyon […]