Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization
- Published on December 29, 2023
- by @peoplesbalita
HINIMOK ng tranport group na Manibela ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban franchise consolidation sa ilalim ng PUV modenization program dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero.
Ito ay kapag nagpatuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa darating na Dec. 31.
Nangangahulugan kasi ito na makakansela na ang permit to operate ng maraming mga jeepney operators.
Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng Manibela na nasa 40,000 jeepneys pa ang hindi pa nakaka-comply sa consolidation ang hindi na makakabiyahe pa pagdating ng Enero kung saan sa malaking bilang na to mas maraming commuters din ang maapektuhan ang pagbibiyahe.
Magugunitang nagharap na ng petisyon ang transport groups sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng PUV modernization.
Sakali umano na ibasura ng SC ang kanilang petisyon ay wala na silang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang protesta at malaking bagay kung makakasama nila ang mga mismong commuters na siyang lubhang maapektuhan.
Ganito rin ang naging banta ng Piston na dalhin ang kanilang hinaing sa mga gate ng Malacañang.
-
Creamline ready sa Petro Gazz
Maglaro man o hindi sina injured players Tots Carlos at Alyssa Valdez ay handa ang Creamline na sagupain ang nagdedepensang Petro Gazz sa knockout quarterfinals ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference. Haharapin ng Cool Smashers ang Gazz Angels ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banatan ng PLDT High […]
-
Gilas Pilipinas practice para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers
DINALUHAN ng ilang mga manlalaro ng PBA ang unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 4th window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifier. Isinagawa ang ensayo sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue sa Lungsod ng Pasig kung saan dumalo si Gilas coach Chot Reyes kasama sina Barangay Ginebra San […]
-
Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver
Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga. Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan. Paglalahad pa ni Silver, […]