Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga.
Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan.
Paglalahad pa ni Silver, ang financial issues na kinakaharap ng liga sa harap ng pandemya ang nagtulak sa kanila na busisiin ang ideya.
“I think I’ve always said that it’s sort of the manifest destiny of the league that you expand at some point,” wika ni Silver.
“I’d say it’s caused us to maybe dust off some of the analyses on the economic and competitive impacts of expansion. We’ve been putting a little bit more time into it than we were pre-pandemic. But certainly not to the point that expansion is on the front burner.”
Ang bawat expansion team kasi ay magbabayad ng entry fee na maaaring lumampas ng $1 billion, na mapupunta naman sa mga kasalukuyang team.
Noon pang 2002 nang huling mag-expand ang NBA nang itatag ang Charlotte Bobcats, na kilala na ngayon bilang Hornets.
-
MOSCOW’S DREAM ISLAND THEME PARK OFFICIALLY OPENS “HOTEL TRANSYLVANIA” ATTRACTION
IN anticipation of the upcoming release of Hotel Transylvania: Transformania, the final chapter of the $1.3 billion film franchise from Sony Pictures Animation, Dream Island Theme Park, Europe’s largest indoor theme park located in Moscow, announced April 15 that it has officially opened the much-anticipated attraction “Hotel Transylvania.” Dracula has opened up his lavish resort […]
-
Pinoy boxer Jerwin Ancajas, bigong mabawi ang IBF crown matapos muling natalo kay Argentinan undefeated boxer
NAPANATILI ng undefeated boxer Fernando Martinez ang kanyang International Boxing Federation junior bantamweight title matapos muling payukuin ang dating champion na si Jerwin Ancajas. Naidepensa ni Martinez ang koronang kanyang naagawa kay Ancajas noong Pebrero sa pamamagitan ng scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California. Dahil dito, napaganda […]
-
4 barangay sa Irosin, Sorsogon, apektado na ng ashfall mula sa bulkang Bulusan
NASA apat na barangay na raw ang apektado sa Irosin, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa bulkang Bulusan matapos itong mag-alburuto dakong alas-10:37 Linggo ng umaga. Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) officer na si Fritzie Michelena kabilang sa mga apektadong barangay ang Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo. […]