• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero dedbol sa pamamaril ng 2 kalugar sa Malabon

TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 40-anyos na construction worker matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang kalugar na kanyang nakaalitan sa Malabon City.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Cresencio Casas, ng No. 5 Atis Rd San Miguel Brgy. Potrero.

 

 

Tinutugis naman ng pulisya para maaresto ang mga suspek na sina Ericson Francia alyas Onetit at Archie Bautista, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira din sa nasabing lugar.

 

 

Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Lasbuenas Garment sa Industrial Road Brgy. Potrero.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Casas at mga suspek sa labas ng bahay ng biktima subalit, naawat naman sila ng mga bystander.

 

 

Gayunman, nang umalis ang biktima ay sinundan siya ng mga suspek at habang nakatayo si Casas sa harap ng Lasbuenas Garment ay isa sa mga salarin ang naglabas ng baril saka sunod-sunod na pinaputukan siya sa katawan bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang metal fragment, isang improvised hand gun na kargado ng isang bala ng 12 gauge shotgun, dalawang patalim, at isang coin purse na naglalaman ng dalawang plastic sachets na may laman ng hinihinalang shabu.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Sec. Duque, hindi pa dapat maging kampante

    HINDI pa rin dapat maging kampante si Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya makakasama sa  makakasuhan kaugnay sa iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, panimula pa lamang naman ang ginagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth kaya’t malaki ang posibilidad na may susunod na irerekomenda na makakasuhan […]

  • Ads December 16, 2022

  • Ads September 10, 2024