• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Duque, hindi pa dapat maging kampante

HINDI pa rin dapat maging kampante si Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya makakasama sa  makakasuhan kaugnay sa iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, panimula pa lamang naman ang ginagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth kaya’t malaki ang posibilidad na may susunod na irerekomenda na makakasuhan ang mga ito.

 

Gaya ng sinabi ko po, panimula pa lang naman po ito because they had very limited period of time given to them by the President na 30 days,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ikinagulat kasi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi kasama si Sec. Duque at iba pang opisyal ng PhilHealth na inirekomendang  kasuhan ng task force ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y iregularidad sa ahensiya.

 

” Ipagpapatuloy pa po ang imbestigasyon ng DOJ, at  ang imbestigasyon ng Ombudsman,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, dismayado si Sotto na  hindi kasama si Sec. Duque at si resigned PHilhealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo del Rosario Jr. sa inirekomendang sampahan ng kaso.

 

Tanong ni Sotto, bakit wala si Duque at Del Rosario gayung malinaw umano ang nakasaad sa Article 217 ng Revised Penal Code, kaya umaasa siya na iba ang magiging perspektibo ng Ombudsman kapag inihain na nila ang mga kaso.

 

Sa kabila nito, pag-uusapan pa umano nila ni Sen. Panfilo Lacson ang pag-abswelto kay Duque at del Rosario dahil ito ang dumiskarte sa mga rekomendasyon na nakasaad sa report ng Committee of the whole. (Daris Jose)

Other News
  • Kathryn, pinuri ang SMC sa ginawang pag-rescue sa mga naiwang aso sa Bulacan

    BILANG isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project.         “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” […]

  • Kasabay ng pagiging fashion icon: HEART, ibibigay ang lahat nang kaya niyang gawin

    MALUWAG na tinanggap ni Heart Evangelista ang bago niyang tungkulin bilang presidente ng Senate Spouses Foundation, at nangakong manggagaling sa puso ang kaniyang mga gagawin.         Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ nitong Sabado, sinabing alam ni Heart na marami siyang matutulungan sa bago niyang role.   […]

  • LGUs inatasan ng DILG na huwag inanunsyo nang advance ang COVID-19 vaccine brands

    Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbibigay alam sa mga indibidwal na magpapaturok ng COVID-19 vaccines ang brand na available sa vaccination sites.     Sinabi ito ni DILG Secretary Eduardo Año kahit pa inatasan na nila ang mga local government units na huwag magsasagawa ng advance announcements sa kung […]