VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan si Salvador Dacer, Jr. ng Blk 04, Lot 10, Phase 1C, Brgy. NBBS Kaunlaran na paglabag sa umiiral na ordinansa subalit, nagalit ito at nilait pa ang mga barangay opisyal.
Ang hindi alam ni Dacer, may kasamang mga pulis mula sa Navotas Police Sub-Station 4 ang mga nagrorondang barangay official na nakakita sa kanyang pagwawala sa kanto ng Buwan-Buwan at Espada Sts. kaya’t kaagad siyang inaresto.
Ani Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, araw at gabing nagsasagawa ng pagroronda ang kanyang mga tauhan, katuwang ang mga opisyal ng barangay upang sitahin ang mga pasaway na patuloy na gumagala sa lansangan ng wala namang mahalagang pakay na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng hawahan ng mapanganib na sakit na COVID-19.
Iprinisinta na ng mga pulis sa piskalya si Dacer para sa inquest proceedings kaugnay sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents. (Richard Mesa)
-
Maraming Filipino takot pa rin na madapuan ng COVID-19 – SWS
Maraming mga Filipino pa rin ang nangangamba at natatakot na madapuan ng COVID-19. Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 91 percent sa 1,200 adults ang nagsabing takot silang madapuan ng virus. Isinagawa ang survey mula Setyembre 12 hanggang 16 kung saan 76 percent dito ay nagsabing nababahal […]
-
Kapitan ng Barangay Kaligayahan muling inireklamo sa Ombudsman
SINAMPAHAN ng panibagong reklamo ni Aljean Abe, isang dating teaching aide sa Barangay Kaligayahan Novaliches QC ang kanilang barangay kapitan na si Alfredo “Freddy” Roxas, ukol sa Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft & Corrupt Practices Act. Nag-ugat ang kanyang bagong reklamo ng makaranas sya at kanyang […]
-
P125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President, inubos sa loob ng 11 araw – Quimbo
GINASTOS ng Office of the Vice President (OVP) ang P125 milyong confidential fund (CF) nito sa loob lang ng 11 araw at hindi 19 araw. Ito ang isiniwalat kahapon ni House Committee on Appropriations vice chairperson at Marikina City Rep. 2nd District Rep. Stella Quimbo, base sa impormasyon sa mga dokumentong ibinigay sa […]