• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 14th, 2020

UST coach Aldin Ayo pinatawan ng indefinite ban ng UAAP

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinatawan ng indifinite ban ng University of Athletics Association of the Philippines (UAAP) si University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.

 

May kaugnayan ito sa “Sorsogon bubble” controversy.

 

Ayon sa UAAP, na pinagbabawal na makasali sa lahat ng UAAP events at mga UAAP sanctioned-activities.

 

Ang nasabing ban aniya ay base sa ulat ng UST na ipinapakita ni Ayo ang paglagay sa panganib ng mga manlalaro sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ensayo ngayong panahon ng nasa public emergency ang bansa dahil sa coronavirus pandemic.

 

Nauna ng nagbitiw sa puwesto si Ayo at humingi na rin ito ng paumanhin maging si UST athletic director Fr. Jannel Abogado ay bumaba na rin sa puwesto nito matapos na lumabas ang pangalan nito sa waiver na pinirmahan ng mga manlalaro sa isinagawang training bubble.

P16-B fund para sa ‘Barangay Development Program’ kinuwestyon ng ilang mambabatas

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kumunot ang noo ng ilang mambabatas dahil sa pondong inilaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC) na aabot sa P16 billion sa ilalim ng 2021 national budget.

 

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, posible raw na hindi gamitin sa tama ang multibillion-peso budget para sa barangay development program.

 

Sa ilalim kasi ng “Support to the Barangay Development Program” ang anomang barangay na magiging “NPA Free” ay gagawaran ng P20 milyong reward.

 

Maituturing din aniya na “porl barrel” ang katangian ng nasabing pondo dahil hindi ito naka-itemized.

 

Dagdag pa ni Elago dahil umano simula na ng national elections sa 2021 ay maaaring ituring na “election war chest” ang proyektong ito. Tila sinasamantala raw kasi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang coronavirus pandemic para hawakan sa leeg ang mga barangay upang magkaroon ng dagdag pondo.

 

Paliwanag ni DILG Sec. Eduardo Año, hindi hawak ng DILG ang P16 billion pesos na pondo bagkus ay nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng local government support fund (LGSF).

 

Malayo rin aniya ang koneksyon nito sa eleksyon dahil 822 barangays lamang ang kasama sa proyekto kumpara sa halos 42,000 na mga barangay sa buong bansa.

 

“Itong mga barangay na ito ay hindi mga vote reached barangays, ito ay mga isolated na barangays. Malayo itong ikonekta sa eleksyon at ito ay para talaga mai-angat ang iba nating kababayan na naghihirap sa loob ng matagal na panahon,” ani Año.

 

“Nagsimula rin ito sa barangay, sa local government units (LGUs), kasama ang iba’t ibang ahensya. Mayroon tayong tinatawag na community support program kung saan nagpupunta yung mga LGUs mula sa iba’t ibang barangay,”

 

“Dito nalalaman ‘yung mga barangay na nangangailangan ng tulong, at kung makikita rin natin dito ‘yung pinaka-maraming presensya ng New People’s Army (NPA) kung saan nae-exploit ‘yung mga isyus,” saad pa ng kalihim.

Mungkahi ni Joseller Guiao

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISYU para kay Joseller ‘Yeng’ Guiao ang planong mala-National Basketball Association (NBA) style  bubble ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa restart sa mid-October.

 

Iginiit niya sa isang talakayan nitong isang araw, na puwedeng magkaproblema sa isipan ang mga papasok roon sanhi sa pagkainip ng mga manlalaro ng propesyonal na liga kapag pinagpatuloy ang 45th Philippine Cup 2020.

 

Iginiit ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors coach, na maging maigsi lang dapat ang season-opening conference kapag tinuloy ang bubble concept.

 

“Ang hirap kapag hindi iko-compress,” giit ng multi titled bench strategist, na nasisilip na magkakaroon ng mental health issue sa pagbabalik ng lahat sa paglalaro habang nakalagay lang sa isang kapaligiran na malayo sa kanilang mga pamilya.

 

“You have to be in a bubble for three to four months? Masisiraan ng ulo mga player, lalo na iyung coaches. I think there’s gonna be a mental health issue kung masyadong matagal,” saad ng dating national mentor.

 

Isa sa posibleng pagsasagawaan ng bubble play na pinapaboran ng 61-anyos na dating bise gobernador at kinatawan sa Kongreso ng Pampanga, ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, na malapit lang aniya ang mga hotel para sa 12 koponan.

 

“From the hotel, we can go to our own practice venues. May sariling bus, our own transportation going to practice, then balik sa hotel, tulog don, then laro sa Araneta. That’s still considered a bubble,” wakas na sambit ng tactician Guiao.

 

Pakisilip mo nga PBA Commissioner Wilfrido Marcial ang pinag-aalsa boses ni coach Yeng. Kayo po, ano sapalagay mo?

2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.

 

Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal gambling.

 

Alas-3:30 ng madaling araw nang respondehan nina P/Cpl. Jomel Salaysay at Pat. Jaypee Azucena ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa pangakat ng mga kalalakihang nagsusugal at nambubulahaw sa mga natutulog na residente Saremborao St., Brgy. 8.

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ang mga suspek na nagka-cara y cruz subalit, nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner si Ruiz at Albino.

 

Nang kapkapan, nakuha kay Ruiz ang 0.8 gramo ng shabu na may halagang P5,440 habang 0.7 gramo naman ng shabu ang na nagkakahalaga ng P4,760 ang narekober kay Albino at nasamsam din ang tayang P300 at tatlong pangara. (Richard Mesa)

Singapore Airlines magbabawas din ng mga empleyado

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magbabawas ng 4,300 na empleyado ang Singapore Airlines dahil sa epekto pa rin ng coronavirus.

 

Ang nasabing bilang ay 20% workforce ng nasabing airline company.

 

Apektado dito ang regional carrier nito na SilkAir at budget airline na Scoot.

 

Sinabi ni Singapore Airlines’ chief executive Goh Choon Phong, na masakit sa loob nila ang pagtanggal ng mga empleyado pero ito ang kanilang napagpasyahan para maka-survive sila sa krisis dulot ng pandemic.

 

Umaabot na kasi sa mahigit $800 million ang lugi ng kumpanya dahil sa pagtigil ng mga biyahe sa buong mundo.

Pag-deliver ng COVID vaccines sa buong mundo, ‘mission of the century’ –

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Malaking problema raw ang kakaharapin ng mga bansa sa buong mundo kung sakaling magsimula na ang paghahatid sa mga nadiskubreng mga bakuna laban sa coronavirus.

 

Ayon sa International Air Transport Association (IATA) malaking problema ang kakaharapin ng airline industry dahil sa kanilang pagtaya aabot sa 8,000 mga dambuhalang Boeing 747s ang kakailanganin.

 

Bagamat wala pang aprubado na COVID-19 vaccine, ngayon pa lamang naghahanda na ang international air transport kung papaano isasagawa ang paghahatid ng mga eroplano, paghahanda sa mga airports para sa tinaguriang “global airlift plan.”

 

Tinawag ng chief executive ng organisasyon na si Alexandre de Juniac ang gagawing ito bilang “mission of the century.”

 

Ito kasi ang mangyayari sa global air cargo industry bunsod na mag-aagawan ang mga bansa sa buong mundo para sa mauunang delivery ng bakuna laban sa deadly virus.

 

Una nang iniulat ng WHO na halos 200 mga nadikubre na COVID vaccines ang sumasailalim ngayon sa mga pagsusuri sa maraming mga bansa bago pumasa bilang bakuna.

MIYEMBRO NG “ONIE DRUG GROUP” 2 PA, TIMBOG SA P816-K SHABU

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Onie Drug Group” ang nasakote ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang naarestong mga susek na si Alfredo Boyose, 52, watchlisted, member ng “Onie Drug Group”, Rodrigo Diana, 42, (Watchlisted), at Joseph Sison, 52, vendor.

 

Sa tinanggap na report ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Eforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Cakiao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Block 31, Lot 15, Phase 3 F-1, Sabalo St. corner Langaray St., Dagat- dagatan, Brgy 14, Caloocan City.

 

Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang maka-order sa mga suspek ng P12,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Aabot sa 120 gramo ng shabu na tinatayang nasa P816,000 ang halaga, 1 pc tunay na P1,000 na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle/buy-bust money, cellphone, at weighing scale ang nakumpiska sa mga suspek. (Richard Mesa)

Suhestiyon sa mga gustong bumisita sa sementeryo sa Undas

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IKUKUNSIDERA ng pamahalaan ang lahat ng alternatibong opsyon para sa mga Pinoy na nagnanais na  makabisita at madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa All Soul’s Day  sa kabila pa rin ng banta  COVID-19 pandemic.

 

Ang suhestiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque  ay 5-day time allowance para sa publiko  na makabisita sa sementeryo sa “Undas,” taunang tradisyon ng milyong mga filipino  na binibisita ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

 

May ilan kasing lokal na pamahalaan  kabilang na ang Maynila, Marikina City at Angeles City,  ang nag-anunsyo ng temporary closures ng public at private cemetery sa kani-kanilang lokalidad sa darating na  Oktubre 31hanggang  Nobyembre 3.

 

“Titingnan po natin kung mayroong mga alternatibo dahil naniniwala naman po ako na importante sa mga Pilipino ang Undas,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sinabi naman ni COVID-19 policy chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na irerekumenda niya ang pansamantalang pagsasara sa   llahat ng sementeryo  sa All Souls’ Day bilang precautionary measure laban sa pagkalat ng virus.

 

“Malaki po ang problema kung magkakaroon po ng uncontrolled crowding ‘yung ating cemeteries,”  ayon kay Galvez.

 

Irerekumenda naman  ng National Task Force against COVID-19 na pagbawalan ang publiko na magpunta sa mga sementeryo sa darating na Undas bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi  naman ni deputy chief implementer of the national policy against COVID-19 and testing czar Vince Dizon na wala pang pinal na desisyon dahil tinatalakay pa ito ng mga concerned agencies.

 

Ayon kay Dizon, pinag-uusapan pa ang magiging guidelines kung isasarado ba ang sementeryo pagdating ng Undas.

 

Ginawa ni Dizon ang pahayag matapos na sabihin ni Manila City Mayor Isko Moreno na isasarado ang mga pampubliko at pribadong sementeryo mula October 31 hanggang November 3.

 

Sa ganitong paraan aniya ay mas maiiwasan ang coronavirus transmission.

 

Samantala, sinabi ni Dizon na nirerespeto at hinahangaan ng NTF ang desisyon ni Mayor Isko para sa siyudad ng Maynila.

 

Sinabi kasi ni  Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  na pansamantala niyang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod sa darating na Undas.

 

Batay sa Executive Order No. 38, simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 ay pansamantalang ipasasara ang mga sementeryo sa lungsod ng Maynila upang maiwasan ang paglago at pagkakahawaan ng COVID-19.

 

Nananatili namang ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings sa lahat ng iba’t ibang lebel ng  community quarantine  dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19. (Daris Jose)

Usapang isports sa online

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUWEDE pang libreng mapanaood ng mg kampeong magulang at kabataan, sakaling hindi pa nasasaksihan, ang MILO Home Court Huddle sa https://bit.ly/MILOHomeCourtHuddle, na tumanatanggap pa rin ng mga kalahok sa https://www.milo.com.ph/ milo-sports-interactive-online-classes#schedules.

 

Kasangga si University of the Philippines College of Human Kinetics Asst. Prof. Mona Adviento-Maghanoy na nagkaloob ng tips para mapakilos ang mga tsikiting kahit nasa tahanan lang. Mahalaga ito lalo sa panahon ngayon ng COVID-19.

 

Nakatutulong aniya ang home-based physical activities para sa emosyonal at pangangatawan ng mga kabataan.

 

Rumampa rin sa programa sina mommy Suzi Abrera ng GMA-7 at MILO taekwondo champion at ama ng dalawang anak na si John Paul ‘Japoy’ Lizardo, na mga nagbahagi rin ng kaalaman para matulungan ang mga paslit na makahiligan ang sports at maging kampeon pagdating ng panahon. (REC) 

Rockets sabog sa Lakers

Posted on: September 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa  pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida.

Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th quarter  at isang panalo na lang ay papasok na ang koponan  sa Finals ng NBA Western Conference (WC).

Kumamada si Davis ng 29 points para buhatin sa panalo ang Lakers habang si LeBron ay umambag ng 16 points.
Kagaya ng game 3, maganda pa rin ang ipinakitang laro ng secret weapon na si  Rajon Rondo na nagmando sa floor para sa opensa ng Lakers.

Naging susi rin sa panalo ng Lakers ang mahigpit nitong  depensa at paggamit ni coach Frank Vogel ng small lineup upang tapatan ang bilis ng Rockets.

Nasayang naman ang ikinamadang 25 points ni Russel Westbrook at 21 points ni James Harden.

Nangako ang Rockets na babawi sila sa kanilang do-or-die Game 5 para mapalawig pa ang serye habang sinabi naman ng Lakers na tuluyan na nilang pababagsakin ang Houston sa susunod na laro para makapasok na sa Finals ng WC