• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 27,000 barangay, nalinis na mula sa illegal na droga- Malakanyang

TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa illegal na droga.

 

 

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP).

 

 

Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion na halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

“That’s on top of 50 provinces, 1,160 municipalities, and 30 cities already have functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) already implementing anti-drug priorities at the local level,” ayon sa Malakanyang.

 

 

Idagdag pa rito, mayroong 74 established in-patient treatment at rehabilitation facilities ang nakatulong para tugunan ng drug menace.

 

 

Sinasabi pa rin na may 23 lalawigan, 447 munisipalidad, at 43 lungsod ang nagtatag ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) para mas lalo pang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

 

 

Matatandaang, matagal nang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘whole-of-nation approach’ sa pagharap sa drug abuse, nagpapahiwatig na maaaring itong mauwi sa chronic illness at social issues kung maiiwan na hindi natutugunan at naaalis.

 

 

Aniya, ang approach ay dapat na kinabibilangan ng “prevention, treatment, rehabilitation, at law enforcement” upang matiyak na maipatutupad ang Philippine Anti-Illegal Drug Strategy.

 

 

Matatandaang sinabi ng Punong Ehekutibo na itutuon ng administrasyon ang pansin nito sa rehabilitasyon para masawata ang drug menace, ibang atake ito mula sa ‘bloody war’ ng kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paglaban sa illegal na droga.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang paglansag sa drug syndicates ay kailangan para matugunan ang problema.

 

 

“Under the Marcos administration, the Dangerous Drugs Board would continue to implement the Barangay Drug Clearing Program (BDCP), with the goal of attaining 100 percent drug-free or drug-cleared barangays by 2028,” ayon sa PCO. (Daris Jose)

Other News
  • Obiena asam makuha ang 6.0 meters

    ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.     Ito kasi ang laging tina­talon ni World No. 1 at Olympic Games gold me­da­list Armand Duplantis ng Sweden.     Sa ilang ulit nilang pag­haharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis […]

  • PH Jeanette Aceveda out na sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19 test

    Kinumpirma ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na makakalaro sa kanyang event ang discus thrower na si Jeanette Aceveda sa 2020 Tokyo Paralympic Games matapos na magpositibo sa COVID-19.     Liban kay Aceveda, maging ang kanyang coach na si Bernard Buen ay nagpositibo rin sa isinagawang mandatory daily saliva antigen test at sa […]

  • Sobrang sweet ng kanyang birthday message: MARIAN, todo-todo talaga ang pagmamahal kay DINGDONG

    LAST August 2, nag-celebrate si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng kanyang kaarawan kasama ang asawa na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at kanilang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.     Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang mga larawan nila na may caption na, “Embracing 43 with all the love […]