• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAHAT NG SEMENTERYO SA VALENZUELA, SARADO SA UNDAS

ININANUNSYO ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod simula October 30 hanggang November 3, 2020.

 

Ayon kay Mayor Rex, ito ay alinsunod sa Executive Order No. 2020-205 bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19.

 

Aniya, ang mga nagnanais na gunitain ang Undas, maliban na lang sa mga 20 taong gulang pababa, ay hinihikayat na gawin ito bago o pagkatapos ng mga nabanggit na petsa.

 

Dagdag pa ng alkalde, ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng mga Halloween activity tulad ng “trick or treat” sa lahat ng lugar kabilang na ang mga parke at mall.

 

Nauna nang nag-anunsyo si Manila Mayor Isko Moreno na isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong mga sementeryo sa kanilang lungsod sa Undas.  (Richard Mesa)

Other News
  • ALPHA KAPPA RHO FRATERNITY NAG DIDIRIWANG NG IKA-48TH FOUNDING ANNIVERSARY

    Ang ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority ay nag didiriwang ng kanilang ika-apat napu’t walong anibersaryo.   Bagama’t pandemya ay hindi naman papapigil ang mga AKRHO para ipag diwang ang kanilang anibersaryo. Sa pangunguna ng Valenzuela Skeptron Council 8309 at ang mga officers na sila Chairman Edmar Jimenez, Vice Chairman District 1 […]

  • GMA, waging-wagi sa ‘2024 Platinum Stallion National Media Awards’: RHIAN, tinanghal na Best Primetime Actress para sa pagganap sa ‘Royal Blood’

    NAG-UWI ng 19 na parangal ang GMA Network sa 2024 Platinum Stallion National Media Awards, kasama ang TV Station of the Year award.   Sa iba’t ibang kategorya sa Telebisyon at Radyo, muling pinatunayan ng Kapuso Network na ito pa rin ang academe’s choice.   Nanalo sa ika-7 beses bilang Regional TV Network of the […]

  • Bago o mataas na buwis tinitingnan para bayaran ang utang ng Pinas

    SA NATITIRANG limang buwan na lamang sa tanggapan, ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang bago o mataas na buwis para mabayaran ang foreign debts ng Duterte administration na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.     “We are very confident that 2022 will be the year that we will return to normalcy,” ayon […]