New year’s resupply mission sa West PH Sea, naging matagumpay – PCG
- Published on January 11, 2024
- by @peoplesbalita
Ito ay makaraang makapagsagawa ng rotation and resupply (RORE) mission sa West Philippine Sea (WPS) mula Enero 3 hanggang 9, 2024.
Ligtas na nakarating ang nasabing PCG vessels sa port sa Bataraza, Palawan, matapos maghatid ng mga mahahalagang supply sa mga tauhan ng Coast Guard na naka-deploy sa mga PCG unit na matatagpuan sa Kalayaan Island Group (KIG), partikular sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Isla.
Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, na sasailalim sa mga improvement ang mga pasilidad ng Coast Guard sa nasabing mga isla ngayong taon.
Ibinahagi niya na gagamitin ng PCG ang karagdagang budget ng taon para sa pagpapaunlad ng imprastraktura upang palakasin ang mga kakayahan sa pagtugon at pagsubaybay sa WPS.
Samantala, pinuri naman ni Coast Guard District Palawan (CGDPAL) Commander, CG Captain Dennis Labay, ang mga tauhan sa kanilang dedikasyon sa tungkulin sa pamamagitan ng aktibong paglilingkod sa malalayong Coast Guard units sa WPS, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Sinuportahan din ng mga miyembro ng Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MARIG) ang naturang inisyatibo. ( Daris Jose)
-
Coach Tim Cone maraming natutunan sa NBA Summer League na puwedeng magamit sa PBA
BABALIK na sa Pilipinas si Tim Cone at posibleng sa araw na Linggo ay balik na rin sa kanyang pagko-coach sa Barangay Ginebra. Magtatapos na rin kasi ang pagiging assistant coach niya sa Miami Heat sa ginaganap na NBA Summer League sa Las Vegas. Huling game na ng Miami kontra sa […]
-
P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela
Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city. Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa […]
-
Hindi nagamit na RFID na RFID Load dapat puwede i-refund sa motorista
NAGPAPASALAMAT ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa DOTR at Toll Regulatory Board at pinakinggan nila ang mga pagtutol ng mga motorista sa balak na magpataw ng malalaking multa sa walang RFID o kulang sa load kapag dumadaan sa mga tollways. Ibig sabihin ay mananatili ang mga cash lanes sa mga […]