• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IBINIDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang papel at naging kontribusyon ng Indonesia sa kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao.

Sa isinagawang joint press statement kasunod ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama si Indonesian President Joko Widodo, umaasa si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng Indonesia ang pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“So, today, we also recognized Indonesia’s contribution to peace and development in the Southern Philippines. As Mindanao continues to reap the dividends of peace and democracy, we hope that Indonesia will continue to extend its helping hand to building the institutions of local governance, particularly in the Bangsamoro Autonomous Region,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We also took this opportunity to reiterate to our respective agencies that they must expedite the relevant MOUs (memorandum of understanding) that will help unlock the economic potential of BARMM to encourage development, particularly on the livelihood of our many constituents residing in the said region,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.
Sa kanyang pambungad na pahayag sa bilateral meeting, inalala ni Pangulong Marcos ang tagumpay ng kanyang state visit noong Setyembre 2022. Ang Indonesia ang kauna-unahang bansa na binisita ni Pangulong Marcos makaraang maupo bilang halal na Pangulo ng Pilipinas.
“The success of that visit not only served as a testament to our continuing and flourishing bilateral ties, but it also enabled us to forge new partnerships and collaboration in new areas of cooperation like renewable energy, creative economy, infrastructure development, and other industrial development that have, since that time, [provided] a reason as opportunities for both our countr[ies],” ang litaniya ng Pangulo.
Aniya, patuloy na magiging “closest friends at regional partners” ng Pilipinas ang Jakarta.
“Our many commonalities in geography, history, and culture have fostered deeper and more comprehensive engagements at various levels spanning defense and security, maritime operations, trade and investment, tourism,  people-to-people exchanges, amongst many others, and I might add a strengthening government-to-government relationship,” ang sinabi ng Pangulo.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang “visionary leadership” ni Widodo at matatag na komitment nito na i-promote at palakasin ang “long-standing at close ties” sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Si Widodo ay kasalukuyan nasa Maynila para sa kanyang official visit. (Daris Jose)
Other News
  • Ayon sa paniniwala nina ER at Jeric: DAVID, puwede na maging next big action star

    SIGURADONG ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, ay napanood na ang full trailer ng “Maging Sino Ka Man,” ang iconic adaptation sa GMA-7 ng pelikula noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.       Sa trailer, makikita mo ang husay sa mga action scenes niya si David, na ayon sa […]

  • Miss Denmark Victoria, first Miss Universe ng kanilang bansa: CHELSEA, nabigo man pero tinanghal na first ‘Miss Universe Asia’

    BIGO na mauwi ni Miss Philippines Chelsea Manalo ang korona sa ginanap na 73rd Miss Universe sa Arena CDMX in Mexico City.   Si Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig ang nagwagi at kinabog niya ang 125 delegates. Ito ang unang pagkakataon na manalo ang Denmark sa naturang pageant.   Ang mga runners-up niya ay sina […]

  • DIVI MALL GIGIBAIN, VENDORS ILILIPAT SA PRITIL MARKET

    NAKATAKDANG ilipat ang may 500 manininda na nakapuwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon.     Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, sa oras na matapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendors na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, […]