DIVI MALL GIGIBAIN, VENDORS ILILIPAT SA PRITIL MARKET
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG ilipat ang may 500 manininda na nakapuwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon.
Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, sa oras na matapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendors na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, ngunit dapat ay magsumite muna sila ng aplikasyon para sa kanilang ookupahing pwesto dito.
“Lahat ng manininda sa Divisoria Market ilalagay doon sa 2nd floor sa Pritil, walang madidisplace,” ani Espiritu.
“However, before March they have to apply for a space at Pritil Market. Yung hindi mag-aaplay, hindi mabibigyan,” dagdag pa ng opisyal.
Bukod sa aplikasyon, sinabi din ni Espiritu na ang mga manininda na hindi taga-Maynila ay hindi mabibigyan ng pwesto sa Pritil Market.
“Kahit nakapwesto sila ngayon sa Divisoria market at hindi sila taga-Maynila hindi sila bibigyan ng pwesto sa Pritil. It is exclusive to the Manilans,” giit ni Espiritu.
Aniya, gigibain ang buong Divisoria Mall at itatayo ang isang 54 story commercial building kung saan mas malaki umano ang kikitain ng pamahalaang lungsod mula sa buwis nito kumpara sa nirerentahang pwesto ng mga manininda na P40 kada araw.
Ang dagdag na buwis ay maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan upang mas mabigyan ng magandang serbisyo at benepisyo ang mamamayan ng lungsod ng Maynila.
Hindi naman sang-ayon si Espiritu sa panawagan ng mga vendor sa Divisoria Market na pagbigyan silang makapwesto sa labas ng palengke habang ginagawa ang nasabing lugar dahil mismong si Mayor Isko Moreno Domagoso na nga ang nag-utos na linisin ang kalsada at mga kalye sa Maynila kung saan aalisin ang lahat ng klase ng obstruksiyon na nakasasagabal sa mga tao at sasakyan. (GENE ADSUARA )
-
Halle Berry’s Action Vehicle ‘Moonfall’ New Trailer Reveals an Interstellar Plan to Save the Earth
Halle Berry action vehicle Moonfall new trailer has just released. The film tells the story of an unlikely team of individuals who are tasked with saving the Earth when the moon is knocked off its orbit and comes hurtling towards earth. Directed by Roland Emmerich, who is known for directing many sci-fi epics like Independence Day and The […]
-
LandBank, magbibigay sa mga batang ARBs ng P100K annual scholarship grant
MAGBIBIGAY ang state-run Land Bank of the Philippines (LandBank) ng P100,000 halaga ng taunang scholarship grants sa 60 mga bata na agrarian reform beneficiaries (ARBs), magsasaka at mangingisda taun-taon hanggang 2028. Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, pipili ang lender ng 60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, sa kondisyon na ang P100,000 […]
-
Balik-tambalan, ‘gift’ nila sa mga fans at supporters: MAJA, inaming si RK lang ang naisip na maging partner sa ‘Oh My Korona’
NGAYONG Sabado, Agosto 6 mapapanood na isang kakaibang sitcom na magpapakita ng mga kuwelang eksena sa buhay ng mga showbiz hopefuls na nakatira sa ilalim ng iisang bubong. Inihahandog ito ng Cignal Entertainment at Crown Artist Management, ang Oh My Korona na pinagbibidahan ng versatile actress at Majestic Superstar ng TV5 na si […]