• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS OUTSTANDING FISHERFOLK, PINARANGALAN

BILANG bahagi ng 118th Navotas Day celebration, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda.

 

 

Tinanghal na Most Outstanding Fisherfolk si Orlando Dela Cruz mula sa Barangay Tangos South. Siya at ang iba pang mga awardees ay nakatanggap ng plaque of recognition, cash prizes, at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa isa sa kanilang mga miyembro ng pamilya.

 

 

Upang maging kuwalipikado sa Top 10 Fisherfolk, dapat silang rehistradong Navoteño fisherfolk na nominado ng kani-kanilang barangay at barangay fisheries and aquatic resources management council chairpersons, mga tumatayong mamamayan ng kanilang komunidad, nang walang nakabinbin o patuloy na mga kaso o nahatulan ng anumang krimen, at dapat created milestones na karapat-dapat tularan at inspirasyon ng kapwa nila mangingisda.

 

 

Kabilang sa mga nominado si Rowena Faina mula sa Brgy. Tangos South; Hillary Encierto Jr., Brgy. Navotas West; Efren Abad, Brgy. Tangos North; Matapang na Puso, Brgy. Tanza 1; at Joseph Barlan, Brgy. Navotas Kanluran.

 

 

Ginawaran din si Teotico Taruc mula sa Brgy. Tanza 2; Angelina Abad, 20, ng Brgy. Tangos North; Patrick Apple, Brgy. Tangos South; at Analyn Letegio, Brgy. Tanza.

 

 

Samantala, ginawaran din ng Navotas ng fiberglass boats at fishing gears ang 20 rehistradong Navoteño fisherfolk sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan program.

 

 

Ang mga fiberglass boat ay nilagyan ng 16-horsepower marine engine, pati na rin ang fishing equipment na kinabibilangan ng underwater fittings. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga lambat, lubid, at boya.

 

 

Ang NavoBangkabuhayan ay isang inisyatiba na inilunsad noong 2018 upang tulungan ang mga lokal na mangingisda na magkaroon ng access sa pagpapanatili ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga bangkang pangisda.

 

 

“Fisheries is the pillar of our city. Navotas would not have reached its current success if not for its hardworking fisherfolk,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Bukod sa pagkilala sa mga natatanging mangingisda at NavoBangka turnover, ang Araw ng Mangingisda ay nagtatampok din ng mga kompetisyon sa karera ng bangka at net mending. (Richard Mesa)

Other News
  • BRAD PITT, A SILENT MOVIE STAR AT THE TOP OF HIS GAME IN “BABYLON”

    ACADEMY Award-winner Brad Pitt stars as Jack Conrad, a silver screen icon navigating the tumultuous transformation of cinema in Paramount Pictures’ critically acclaimed epic, Babylon.      A tale of outsized ambition and outrageous excess, the film traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.   […]

  • Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo

    INAASAHANG  bago pa pumasok ang buwan ng Mayo ay maglalabas na ng desisyon sa mga petisyon hinggil sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.     “Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang […]

  • JANINE, hangang-hanga kay BELA kaya gustong makatapat sa movie nila ni JC; ‘di pinangarap na maging beauty queen

    WINNER na winner sa mga nakapanood ng Dito at Doon ng TBA Studios ang pagtatambal nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon, na mula sa direksyon ni JP Habac.     Bukod sa napapanahong kuwento, napakahusay naman talagang naitawid nina Janine at JC ang character nina […]