Top 3 most wanted person ng NPD, nasilo sa Caloocan
- Published on January 13, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Kalbo”, 39 ng Brgy., 176, Bagong Silang ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lavuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intillegence Section (SIS) ng Caloocan police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy., 180 ng lungsod.
Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Maj. John David Chua, kasama ang Police Sub-Station 15 sa pangunguna ni P/Cpt. Gomer Mappala sa koordinasyon kay IDMS chief P/Maj. Jansen Ohrelle Tiglao saka nagkasa ang mga ito ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:00 ng gabi sa Manggahan, Barangay 180.
Ani Maj. Chua, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 129 Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila noong December 19, 2023, para sa kasong Murder.
Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang pinaigting na operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Caloocan CPS habang hihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)
-
Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF
Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue. Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering. Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na […]
-
Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos
PATULOY ang pagdating ng mga diplomats para magbigay ng courtesy visits kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kabilang na rito sina United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos. Sinabi ni Thunborg na ang […]
-
PH HIGH SCHOOL FOR SPORTS, LUSOT NA SA SENADO
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.” Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. […]