• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH HIGH SCHOOL FOR SPORTS, LUSOT NA SA SENADO

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.”

 

Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. 1086, na inaasahang “ensure an alternative and equitable admission process to enhance the access of indigenous peoples, persons with disabilities, and students from other marginalized groups” sa specialized school.

 

Sa ilalim ng panukala, ang PHSS ay itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac kung saan ang mga estudyante “shall have access to existing sports facilities” sa lugar na ginamit bilang venue sa ilang palaro sa 30th Southeast Asian Games.

 

Nakapaloob naman sa taunang budget ng Department of Education ang pondo sa pagpapatayo ng PHSS, ayon pa sa panukala.

 

“All income and monetary donations” na ibingay sa academic institution ay ilalagak sa Sports High School Fund, na mahigpit na imo-monitor ng government budgeting, accounting at auditing rules, saad pa rito.

 

Nauna namang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na may akda at nag-isponsor sa panukala na maaring mabigyan ng full o partial scholarship sa secondary school na may “special emphasis on developing the athletic skills of the students.”

 

“Mama-maximize natin ‘yung mga pasilidad na ipinatayo na sa New Clark City. Kung ‘di natin gagamitin ‘yun, masasayang. If you want world-class athletes, let them experience world-class facilities,” ani Win.

 

Ang PHSS ay gagawing isang world-class educational at athletics facility na may international standards sa ilalim ng pamamahala ng DepEd.

 

Ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang mamamahala sa konstruksiyon ng mga silid-aralan, dormitoryo at iba pang mga sports facilities at amenities.

 

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Sports, mabibigyan ng nasabing batas ng pagkakataon ang isang mag-aaral na makatapos ng high school habang nag-i-excel sa kanyang career sa sports.
“With the (establishment) of the PHSS in very close proximity to world-class facilities, our student-athletes can enjoy a level of training which is at par with the best in the world,” pahayag ni Go.

 

“This type of training and education can catapult our student-athletes to illustrious careers in sports, whether as athletes, coaches, managers, or any other sports-related profession,” aniya. (Ara Romero)

Other News
  • 6 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P274-K SHABU

    ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Micaela Onrubia, 23, Fernando Ison, 56, […]

  • Nadal kampeon sa Barcelona Open

    Nakamit ni tennis star Rafael Nadal ang ika-12th Barcelona Open title matapos na talunin si Stefanos Tsitsipas.     Nakuha ni Nadal ang score na 6-4, 6-7(6) at 7-5 para tuluyang ilampaso ang Greek player.     Dahil sa panalo ay inaasahan na aangat ang puwesto Spanish tennis star.     Susunod sasabak ang 20-times […]

  • 5 CHINESE NATIONALS, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

    NAARESTO ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang limang indibidwal kabilang ang tatlong Chinese national dahil sa pagdukot sa tatlo nilang  kababayan.     Kasong  Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang kinakaharap ng  mga naaresto na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin […]