• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isinugod sa ospital dahil ilang araw ng maysakit: RURU, kinilig nang husto sa labis na pag-aalaga ni BIANCA

ISINUGOD sa ospital pagkatapos na mag-taping para sa teleseryeng ‘Black Rider’.

 

Base sa kanyang Instagram post, “Last night, kinailangan kong dumiretso sa E.R. from taping… dahil ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita.

 

“Sinabihan ng Doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. Meaning, pause muna sa trabaho.

 

“Nakakalungkot na sa araw na ito, mayroon po sana akong trabaho… pero hindi po ako pinayagan ng Doctors gawa ng baka lalo daw po lumala ang nararamdaman ko at mas marami pang commitments ang hindi mapuntahan.

 

“I feel bad na kailangan po umabot sa ganitong sitwasyon at naapektuhan ang trabaho. Kanina when I checked my phone nakita ko ang isang post sa commitment ko today ng mga taong nag eexpect po na makita po ako… at parang dinudurog ang puso ko na hindi ako makakapunta.

 

“Gusto ko po humingi ng paumanhin… gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan.

 

“Babawi po ako sa inyo, Pangako po yan! Godbless po at magpapagaling ako agad! 🙏♥️”

 

Dagdag pa ni Ruru na labis ang pasasalamat sa girlfriend na si Bianca Umali…

 

“P.S – May isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung nag cchills ako dahil ba sa sakit o sa Kilig 😅

 

“Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nag asikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat at nag-alaga sa akin. Mahal na mahal kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman.♥️”

 

Samantala,bukod sa paglaban sa kasamaan sa “Black Rider”, may bagong responsibilidad, this time sa tunay na buhay, na haharapin ang Kapuso actor.

 

Si Ruru kasi ang bagong hinirang na Anti-Piracy Ambassador ng Kapuso Network.

 

Kasama sa kampanya ng GMA na “Stream Responsibly. Fight Piracy”, ginanap ang oath-taking ceremony ni Ruru na pinangunahan ni Atty. Annette Gozon-Valdes (GMA Senior Vice President) kung saan naroroon din sina Joseph T. Francia (First Vice President and Head of International Operations) at Ann Claire Cabochan (IPO Deputy Director).

 

Lahad ni Ruru, “It’s an honor na ako po ang napili to be part of this new campaign ng GMA which is the anti-piracy campaign.

 

 

“Ito po kasing ginagawa natin is for the future of entertainment industry din.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PDU30 inako na siya ang sisihin sa kakulangan ng bakuna sa unang bahagi ng 2021

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang dapat sisihin sa mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa unang bahagi ng taon.   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Chief Executive na mahirap makakuha ng sapat na suplay ng bakuna dahil walang manufacturing company sa bansa.   “Kung mayroon mang […]

  • AUSTRALIAN HACKER, DI PINAPASOK SA BANSA

    PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker na nagtangkang pumasok ng Pilipinas.       Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na nasabat ng pamunuan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang tangkang pagpasok ni Risteski Borche, 40, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula  Sydney sa  Ninoy Aquino International […]

  • Posible sanang ma-extend pero ‘di na uubra: BEAUTY, labis ang pasasalamat sa tagumpay ng ‘Stolen Life’

    EXTENDED na naman ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.     Si Allen Dizon mismo ang nagkumpirma sa amin na sa halip na March ay aabot ng April ang top-rating Kapuso series nila nina Jillian Ward, Carmina Villarroel at Richard Yap.     Pero hirit pa rin ni Allen, “Pero hindi pa nila masabi kung hanggang […]