• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 10 most wanted person ng Valenzuela, nadakma

KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos masuko sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Dennis”, 33 ng Brgy., Punturin ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng the Station Intelligence Section (SIS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

 

 

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-5:15 ng hapon sa Lot. 1, Blk. 24, Green Meadows, Brgy., Punturin.

 

 

Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 270 Presiding Judge Evangeline S. Mendoza Francisco noong October 6, 2021, para sa pagabag sa Sec. 5 (B) Art. III of R.A. 7610 – Child Abuse Law.

 

 

Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)

Other News
  • Very happy sa nalalapit na kasal nila ni Arjo: ALDEN, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala ni MAINE

    NGAYONG July 28 na ang naglalabasang balita ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.     At hindi naman maikakaila at maitatanggi na si Maine at Alden Richards ay naging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa.     Nang makausap nga namin si Alden sa naging mediacon ng “Battle of the Judges,” ang bagong […]

  • SIM card registration nagsimula

    HANDA  na ang mga pangunahing telecommunications company para sa pagpapatupad ng subscriber identity module (SIM) Card Re­gistration Act na magsisimula ngayon.     “As relayed to us by the different telcos, they are already ready with their systems come tomorrow and then are ready to accept the registration nationwide starting December 27,” pahayag kahapon ni […]

  • Ads January 16, 2020